Angelica tinupad ang matagal nang pangarap; nagsolo sa US | Bandera

Angelica tinupad ang matagal nang pangarap; nagsolo sa US

Ervin Santiago - December 06, 2015 - 02:00 AM

angelica panganiban

NA-ENJOY ni Angelica Panganiban ang pagbabakasyon niya nang mag-isa sa Amerika. Dalawang linggo na rin siyang nasa New York City kung saan dinalaw din niya ang ilan niyang mga kapamilya.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Angelica ang ilan sa mga ginawa niya sa New York pati na rin ang mga lugar na napuntahan niya roon nang mag-isa lang. Tinawag niya ang kanyang solo trip sa US na #AnggetAway.

Kahapon muling nag-post ang girlfriend ni John Lloyd Cruz sa kanyang IG ng ilang selfie photos, nilagyan niya ito ng caption: “At ang huling selfie ko sa taong 2015 ay nakikita niyo na ngayon.

Buhay solo-ista sa ibang bansa. Di na ko nahiyang mag-selfie nang mag-selfie.”Dagdag pa ng Kapamilya actress, “Di naman nila ko kilala dito. Iba-iba naramdaman ko mag-isa sa New York.

“Natatakot ako nung una, kabado. Pero excited. I think I’m at my happiest stage in life kaya binalak ko na din bumiyahe. Bilang hindi ko to magagawa pag may pinagdadaanan ako. “At pangarap ko talaga ’to, tumira abroad. Kahit sandali lang.

At gusto ko siyang gawin sa last year ko bago ako mag-30. “Walang sense yung selfie ko sa pinagsasabi ko. Nagandahan lang din talaga ko sa sarili ko diyan kaya binahagi ko na. Nang gumanda araw ng mga makakakita nito. Peace out yow!!!

“See you soon Manila…and see you my alien,” sey pa ni Angelica.Noong Nov. 4 ay nag-celebrate ng kanyang ika-29 kaarawan ang aktres at ito raw ang birthday gift niya sa kanyang sarili – ang makapag-travel abrod nang mag-isa.

Kuwento pa ni Angelica sa kanyang US trip marami siyang nagawa roon na inakala niyang imposibleng mangyari, tulad ng pagsakay niya sa mga public utility vehicles, “Nag-bus nang di nakapagbayad, nag-subway na mali ang sinakyan. #AnggetAway.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending