Korina: Si Mar ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko! | Bandera

Korina: Si Mar ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko!

Ambet Nabus - December 05, 2015 - 02:00 AM

korina sanchez

WALA namang ini-expect si ateng Korina Sanchez-Roxas sa pag-imbita niya sa mga kaibigan sa entertainment media para sa isang Christmas get-together.

Sey nito, “Pasko naman. Lahat naman tayo ay gustong makisaya, magpasaya at magtipon-tipon sa ganitong paraan. Alam naman na-ming magkakahati-hati ang industriya sa darating na eleksyon, pero pagkatapos nu’n balik na dati.”

Pinasalamatan din ng award-winning broadcast journalist ang mga kaibigan at katrabaho sa media na hindi bumanat o nagsulat ng nega-tibo laban sa kanyang asawang si Mar Roxas na tatakbong pangulo sa 2016.

“At nagpapasalamat din ako higit sa mga sumusuporta at patuloy na naniniwala at nagtitiwala sa asawa ko,” hirit pa ni Ateng Korina. Kitang-kita ang pag-aasikaso ng magaling na journalist sa kanyang asawa.

Ibinandera pa nga nitong si dating DILG Sec. Mar ang pinakabonggang nangyari sa personal niyang buhay kaya’t itinataguyod at sinusuportahan niya ang lahat ng laban nito.

Sa masayang Christmas party nga namin namataan sina Congressmen Alfred Vargas at Dan Fernandez, na kilalang supporters ni Sec. Roxas mula noon hanggang ngayon. “Ito rin po ang industriyang pinagkakautangan namin ng loob.

Nagpapasalamat din po kami na nandiyan pa rin kayo until now,” dueto pa ng dalawa na nagsabing ang pagkakaroon ng magandang puso at dedikasyon ni Sec. Roxas ang nag-udyok sa kanila para suportahan ito sa 2016 elections.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending