PNoy 'siniraan' mga kalaban ng manok na si Roxas | Bandera

PNoy ‘siniraan’ mga kalaban ng manok na si Roxas

- December 04, 2015 - 07:25 PM

HABANG ikinakampanya si dating Interior Sec. Mar Roxas sa Filipino community sa Rome, Italy ay “siniraan” naman isa-isa ni Pangulong Aquino ang mga makakalaban sa pagkapangulo ng kandidato ng administrasyon.

Bagamat hindi pinangalanan ni Aquino, halata namang sina Vice President Jejomar Binay, Sen. Grace Poe at Miriam Defensor Santiago, at Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang pinatutungkulan sa kanyang speech.
Hirit niya ay dapat maging maingat ang mga botante aa pagpili ng papalit sa kanya upang maipagpatuloy ang sandamakmak niyang nagawa sa bayan.
“Ang tanong sa inyo sa susunod na halalan, tayo ba ay patuloy na tataas o babagsak tayo pabalik sa ating pinanggalingan? Suriin po natin ang mga pagpipilian natin,” giit ni Aquino.
Una niyang binanatan si Binay na aniya ay inakusahan ng pagiging corrupt.
“Mayroon po diyan, inakusahan ng pagsasamsam (sic) ng kaban ng bayan sa pagkatagal-tagal na panahon. Kung totoo ho ang alegasyon at nagnanakaw nga itong taong ito, ano po kaya ang matitira para tustusan ang pagganda ng buhay na ipinapangako niya?” aniya.
Isinunod niya si Poe na sinabi niyang walang napatunayan.
“Mayroon din naman po, nangangakong hihigitan ang lahat ng nagawa natin, at kung mangyari po ‘yan ako na ho ang unang papalakpak. Pero pakinggan nating mabuti na ni minsan hindi niya nasabi kung paano tutuparin ang pangako. Walang konteksto, walang plano, panay batikos at hilaw na pangako,” ani Aquino. “Akala po yata niya, kapag nahalal siya, gigising siya kinabukasan sa isang bagong umaga ng may solusyon na sa lahat ng mga binanggit niyang problema.”
Hindi rin nakaligtas si Duterte sa banat ni Aquino.
“May isa naman po, marami raw po tilang papatayin,” dagdag niya.
Pati si Santiago ay nakatikim din ng pagrataray ng Pangulo.
“Ang isa, dadaanin lang daw basta ang kampanya sa social media. Siguro po, hindi siya mulat na hindi ka makakapagpatayo ng kalsada at makakapagpakain ng nagugutom gamit lang ang Facebook,” aniya.
Maging kay Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, na tumatakbo sa pagkabise president, ay marami ring sinabi si Aquino.
“Ang postura niya, gagawin niya ang tama, pero hindi naman niya maamin ang mga pagkakamaling nagawa sa nakaraan. ‘Di po ba na kung hindi niya sinasabing mali, malamang palagay niya tama ito? Kung palagay niya tama, malamang din po, uulitin niya ang mga pagkakamaling ito,” atake pa ni Aquino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending