Erap tatakbo sakaling kapwa ma-disqualify sina Poe at Binay
SINABI ni dating pangulo at ngayon ay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na tatakbo siya sa pagkapangulo sa 2016 sakaling kapwa ma-disqualify sina Sen. Grace Poe at Vice President Jejomar Binay.
Sa isang panayam sa DZMM TeleRadyo, naniniwala rin si Estrada na ang Malacanang ang nasa likod ng petisyon para i-disqualify si Poe.
“Parang ganon ang lumalabas,” sabi ni Estrada.
Kasabay nito, sinabi ni Estrada na si Poe ang kanyang susuportahan dahil kumpare niya ang yumaong aktor na si Fernando Poe, Jr.
Aniya, naniniwala rin siyang kwalipikado si Poe na tumakbo sa 2016 presidential polls.
Samantala, kinontra ni Estrada ang ulat na lamang si dating Manila mayor Alfredo Lim sa survey sa pagka-mayor sa Maynila sa pagsasabing ang huli ang nasa likod ng survey.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.