Richard, Carlo Caparas sanib-pwersa sa bagong Panday | Bandera

Richard, Carlo Caparas sanib-pwersa sa bagong Panday

Cristy Fermin - December 03, 2015 - 02:00 AM

carlo caparas

Ramdam na ramdam na namin ang paghahanda ng TV5 sa pagpasok ng Viva Entertainment sa network para sa kanilang partnership.Ang unang palatandaan namin ay ang pagi-ging abala ng mga utility sa pag-aayos ng mga kagamitang dati’y nakaipon lang sa isang malaking bodega.

Ihinahanda na ang mga opisina ngayon, itinatayo na uli ang mga cubicles, magiging buhay na buhay na naman at abala ang mga palapag ng gusali ni MVP.

Sa pagpasok ng 2016 ay agad nang mapapanood ang makasaysayang Panday ni Direk Carlo J. Caparas na ang bibida ay si Richard Gutierrez. Kapana-panabik ang palabas na ito lalo na’t matagal ding nabakante sa pelikula at telebisyon si Richard.

Ang Tasya Fantasia na pinagbidahan nu’n ni Kris Aquino ay isa rin sa mga programang mapapanood, mapupuno ang panghapon at panggabing timeslot ng TV5 sa magagandang programang ihinahanda na ng TV5 at Viva Entertainment, magiging abala na naman ang contract stars ng network.

Meron sanang pagtatambalang serye sina Derek Ramsay at Claudine Barretto, pero umugong agad ang balitang tinanggihan ‘yun ng hunk actor, gagawin lang daw nito ang proyekto kung wala ang aktres.

Maraming nagpapalagay na hanggang ngayo’y hindi pa nakakalimutan ni Derek ang pagkakaugnay kay Claudine ng kaibigan nitong si Martin, si Angelica Panganiban ang nagpaputok ng isyu nu’ng sila pa ni Derek, na tahasan namang idinenay ni Claudine Barretto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending