Palasyo itinanggi nasa likod ng disqualification ni Poe
MARIING itinanggi ng Palasyo na nasa likod ito ng disqualification ni Sen. Grace Poe matapos namang magdesisyon ang Commission on Elections (Comelec) na hindi siya maaaring lumahok sa presidential race dahil sa isyu ng residency at ng kanyang citizenship.
Sa isang press conference, iginiit ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na independent body ang Comelec sa kabila na pawang itinalaga ni Pangulong Aquino ang mga nakaupong commissioner.
“We believe that sobriety and respect for the law and its processes are the best way forward for all parties concerned,” sabi ni Lacierda.
Ito’y sa harap naman ng mga alegasyon na naimpluwensiyahan ng Palasyo ang desisyon ng tatlong Commissioner ng Comelec matapos naman ang 3-0 na boto ng second division ng pabor sa petisyon na kumukuwestiyon sa residency at citizenship ni Poe.
“This decision was arrived at in the course of the constitutionally-mandated functions of the Comelec,”ayon pa kay Lacierda.
Aniya, maaari pa rin namang iapela ni Poe ang naging desisyon ng poll body.
“We understand that Senator Poe’s legal counsel will pursue and exhaust all remedies available to them, as is their right in this process,” sabi ni Lacierda.
Tumanggi namang magkomento si Lacierda kung magiging pabor sa pambato ng Liberal Party (LP) na si Mar Roxas sakaling tuluyan nang hindi makatakbo si Poe.
“You know I don’t want to answer that question because I am going to speculate at saka baka lagyan pa ng kulay ‘yung sasabihin ko,” aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.