LRT-1 muling nagkaaberya dahil sa technical problem—LRTA
NAGKAABERYAs ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT-1) kahapon dahil sa technical problem.
Sa isang post sa Twitter account, sinabi ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na nagpatupad ito ng provisional operation mula Gil Puyat hanggang Roosevelt station at pabalik pasado alas-12 ng hapon
Sa isang ulat ng Radyo Inquirer 990AM, sinabi ng mga security guard na nakatalaga sa Baclaran Station sa Pasay City na nawalan ng suplay ng kuryente sa mga train cable.
Daan-daang pasahero ang na-stranded dahil sa nasabing technical problem.
Bumalik ang operasyon ng mga tren ganap na alas-1 ng hapon.
Hindi pa nagbibigay ang pamunuan ng LRT-1 ng detalyadong impormasyon kaugnay ng aberya sa LRT.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.