CBCP bumuwelta kay Duterte: Korupsyon may iba't ibang mukha | Bandera

CBCP bumuwelta kay Duterte: Korupsyon may iba’t ibang mukha

- December 01, 2015 - 12:46 PM

BUMWELTA ang Catholics Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ngayong Martes kay Davao City mayor at presidential bet Rodrigo Duterte sa ginawa nitong pagmumura kay Pope Francis nitong Lunes.

Sa kanyang proklamasyon sa presidential bet ng ng Partido Demokratikong Pilipino-Laban ng Bayan (PDP-Laban), binanatan ni Duterte si Pope dahil sa nilikha nitong trapiko sa Metro Manila nang bumisita ito sa bansa noong Enero.

Bagamat merong natawa lang sa sinabi ni Duterte, marami rin ang nainis, at isa na rito ay si CBCP President Lingayen Archbishop Socrates Villegas.

“When a revered and loved and admired man like Pope Francis is cursed by a political candidate and the audience laugh, I can only bow my head and grieve in great shame. My countrymen has gone to the dregs,” sabi ni Villegas sa isang kalatas.

Ayon sa arosbispo, kailangan na ang susunod na lider ng bansa ay makitaan ng magandang ehemplo ng publiko.

“If the leaders we choose are to be leaders for national progress they must be visionaries and exemplary,” anya pa.

“Is this the leadership by example that Mayor Duterte excites in us? Is this the leadership by example that makes a public official deserving of the title “Honorable”? I grieve for my country,” dagdag pa ni Villegas.

Naniniwala rin ang opisyal ng simbahan na ang isang uri ng korupsyon ang pagiging “bulgar”.

“Vulgarity is corruption. When we find vulgarity funny, we have really become beastly and barbaric as a people,” diin pa nito.

Una nang nagpahayag si Duterte na lalabanan niya ang koruspyon sa sandaling siya ang mahalal na pangulo sa darating na halalan.

Ngunit ayon kay Villegas ang paglaban sa korupsyon ay hindi lamang paglaban sa mga taong nagnanakaw ng pondo ng gobyerno.

“Corruption, like a monster, is a devil with many faces,” giit pa ng arsobispo.

“Killing people is corruption. Killing is a crime and a sin whether it is done by criminals or public officials no matter what the intention,” dagdag pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending