KathNiel nanindigan sa pag-endorso kay Mar; dedma sa bashers
Kathryn Bernardo has been bashed of late because she’s endorsing one presidential aspirant, Mar Roxas. Sari-saring comments, mostly nasty ones, an gaming nababasa sa social media.
One was asking kung hindi pa ba natitiwalag si Kathryn sa kanyang kinaaanibang relihiyon. Another was bashing her all because she has not been visiting their church daw. Meron naming nagsasabing gagamitin daw ni Kathryn ang INC.
But many where aghast over the millions na kikitain daw ni Kathryn for endorsing Mar. Whatever it is, may karapatan naman si Kathryn na mag-endorse ng politiko. Unang-una, siya ang nilapitan, hindi niya inilapit ang sarili niya.
Kung bayaran man siya ng milyones, eh, ano ngayon. Buhay niya ‘yan. Pangalawa, maganda naman ang track record ni Mar. He has not been dragged into plunder issues, hindi naman siya nasangkot sa nakawan sa gobyerno.
We feel na kung bina-bash ninyo si Kathryn, eh, di i-bash n’yo rin ang iba pang celebrities na openly campaigning for a politician. Why zero in on Kathryn only? When so many celebrities campaigned for P-Noy six years ago ay wala kayong angal.
Pero nang magkaroon ng kapalpakan ang administration ay saka na kayo umangal. Bakit hindi n’yo sisihin ang mga celebrities na nag-campaign noon sa brother ni Kris Aquino? We feel na right ng isang artista to campaign for a political candidate.
You cannot take that away from them. If they earn millions, so be it. Kung maipanalo nila ang kandidato nila, mamatay kayo sa inggit. Kung hindi naman, try again next time. Ganoon lang ‘yon.
Until now ay hindi pa rin nagsasalita si Kathryn tungkol sa pamba-bash sa kanya ng ilang netizens pero for us, hindi na niya kailangang i-defend ang sarili niya sa mga taong ito dahil kahit ano naman ang sabbihin niya, lalaitin pa rin siya ng kanyang bashers.
Pero kung may mga tumitira kina Kathryn at Daniel Padilla bilang supporters ni Mar, meron din namang humanga sa kanila dahil sa murang edad ay marunong na silang manindigan sa kung ano ang pinaniniwalaan nila hindi tulad ng iba na patumpik-tumpik pa.
One netizen said, “We believe na matatalino ang mga batang ito, hindi nila isusubo ang kanilang mga pangalan sa politika kung hindi nila ito pinag-isipang mabuti. I know hindi pera-pera ang labanan dito.
Kaya bilib kami kina Daniel at Kathryn dahil nagpakatotoo lang sila.” But one follower of Kathryn asked kung totoo bang P20 million ang ibinayad sa kanya para iendorso ang hubby ni Korina Sanchez, na sinagot naman ng isa pang follower ni Kathryn ng, “Inggit lang sila.
Kung totoo mang binayaran siya ng ganu’ng kalaki, and so!? Ang mahalaga, may sarili nang desisyon sina DJ at Kath, kung ano ang pinaniniwalaan nila, doon sila tataya. Stop na the bashing.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.