Gelli, Janice, Carmina, Aiko may bonggang pasabog sa ABS-CBN
By 2016, isa rin si Gelli de Belen sa napapabalitang magbabalik ABS-CBN.
Ayon sa aming source, mayroon daw malaking project na niluluto for her and her sister Janice plus Carmina Villaroel and Aiko Melendez na katropa rin nila.
“Wala pang details pero looking forward tayo riyan,” ang sey ni Gelli nang minsan natin itong masilip sa Tonight With Boy Abunda, kung saan nag-promote siya ng kanyang Deal or No Deal guesting.
Magandang balita ito kung matutuloy dahil isa nga si Gelli sa mga aktres na magagaling talaga at malakas din ang hatak sa masa. Halos 18 na years na pala silang magkasama as husband and wife ni Ariel Rivera at marami nga ang humahanga sa pag-handle nila ng kanilang married life dahil going strong pa rin ang kanilang relationship at ni isa ay wala tayong nababalitaang nega about them.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.