FEU Tamaraws susuwagin ang UAAP crown ngayon | Bandera

FEU Tamaraws susuwagin ang UAAP crown ngayon

Melvin Sarangay - November 28, 2015 - 01:00 AM

Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
3:30 p.m. FEU vs UST
(Game 2, best-of-three Finals)

MAKUHA ang ika-20 UAAP men’s basketball title ang tutumbukin ngayon ng Far Eastern University Tamaraws sa pagsagupa nila sa University of Santo Tomas Growling Tigers sa Game 2 ng UAAP Season 78 men’s basketball best-of-three finals.

Ang inaasahan na dudumugin at pukpukang pangkampeonatong laro ay magsisimula sa ganap na alas-3:30 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Lumapit ang Tamaraws sa isang panalo na lang tungo sa pagkubra ng korona matapos daigin ang Tigers sa Game 1, 75-64, noong Miyerkules sa Mall of Asia Arena.

Muli namang sasandalan ni FEU coach Nash Racela sina Mark Belo, Mike Tolomia, Roger Pogoy, Russel Escoto at Prince Orizu para pawiin ang 10 taon na title drought ng koponan.

Aasahan naman ni UST mentor Bong dela Cruz sina Kevin Ferrer, Karim Abdul at Ed Daquioag para makahirit ang Tigers ng winner-take-all Game 3.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending