Claudine humiling ng dasal para sa may sakit na ina | Bandera

Claudine humiling ng dasal para sa may sakit na ina

Ervin Santiago - November 28, 2015 - 02:00 AM

claudine barretto

Humiling ng taimtim na dasal si Claudine Barretto sa kanyang mga tagasuporta at followers sa social media para sa inang si Inday Barretto na aniya’y may sakit na lupus.

Idinaan ito ni Claudine sa kanyang Instagram account kung saan nagdetalye rin siya sa mga nagaganap ngayon sa kanyang buhay at career. Naging emosyonal din siya sa ilang bahagi ng kanyang IG post lalo na nang aminin niya ang ginawang pagtulong ng kanyang mga magulang sa kanilang mag-iina noong maghiwalay na sila ni Raymart Santiago.

“When I wasn’t working & all my accounts & properties was on hold it was my parents who fed & took care of my kids & I. They took care of all my needs as well as my children’s.”

“Now that I’m back and my Mom not knowing that we already know that she is sick & has lupus I don’t ever want them to spend a cent at ako naman po ang magaalaga sa kanila ng daddy ko.

“Pls. pray for & let’s be grateful that I’ve work & l’d b able to take care & serve my mom & Dad coz my whole life inalagaan at they gave us a wonderful life. Thank u po sa mga nakakaintindi & I’m sorry Mom.”

Isang follower naman ni Claudine ang nagtanong kung bakit sa TV5 siya gagawa ng teleserye (ang TV remake ng Bakit Manipis Ang Ulap kasama si Diether Ocampo) at hindi sa ABS-CBN tulad ng sinabi niya noon?

Sagot ng aktres, “Wag po kayo malungkot, matutuloy pa rin po ang movie with Viva & Star Cinema. Next year pa po yung soap with ABS. I’m thankful that binigyan po ako agad ng soap ng Viva & TV5. I’m not exclusive sa 5 pero napakaganda ng offer nilang teleserye ang ganda ng story.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending