Coney bibigyan ng Lifetime Achievement Award ng PMPC
Bibigyang ng Lifetime Achievement award ng Philippine Movie Press Club si Coney Reyes sa nalalapit na Star Awards for Television on Dec. 3 sa Kia Theater sa Cubao. Hindi naman kaila sa marami na pumailanlang ng ilang taon sa ere ang self-titled drama antho-logy niya noon.
Tamang-tama naman dahil sa episode ng Maalaala Mo Kaya ngayong gabi ay itatampok ang mahusay na aktres kasama ang kilalang child star na si Jana Agoncillo.Gaganap na batang nakikipaglaban sa dalawang malubhang karamdaman si Jana sa kanyang unang MMK episode tonight.
Sa edad na anim, buong pag-asang nilalabanan ni Ashley (Jana) ang bone marrow cancer at epidermolysis bullosa, isang bihirang sakit sa balat. Ngunit imbes na pagbuklurin ng kanyang kalagayan ang kanyang pamilya, naging sanhi pa ito ng lamat sa rela-syon sa pagitan ng kanyang inang si Jennifer (Precious Lara Quigaman) at lolang si Cleofe (Coney).
Kasama rin sa MMK episode na ito hosted by Charo Santos, sina Marco Alcaraz, Juan Rodrigo, Suzette Ranillo, Anna Luna, Sofia Millares at Alvin Arellano, sa direksyon ni Ruel Montanes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.