Komedyana pumayag maging dyowa ng politiko kapalit ng pera | Bandera

Komedyana pumayag maging dyowa ng politiko kapalit ng pera

Cristy Fermin - November 26, 2015 - 07:38 PM

PANAHON na naman ng eleksiyon, ng mga pulitikong nangangako, kaya marami na namang naaalalang anekdota ang mga miron sa showbiz.
Usung-uso kasi kapag ganitong panahon ang mga artistang tumatanggap ng talent fee para lang magpanggap na kunwari’y karelasyon sila ng mga tumatakbong pulitiko para sa promo.
Naalala ng aming source ang isang komedyanang pumayag na magpanggap bilang girlfriend ng isang pulitikong na-ngangailangan ng publisidad. “Pumayag ang komedyana, kasi, malaki ang ibinayad sa kanya nu’ng politician. E, wala pa naman siyang datung nu’ng mga panahong ‘yun, kaya sinunggaban niya agad ang alok.
“Walang pagdadalawang-isip niyang tinanggap ang offer, nagkunwari siyang girlfriend ng politician, talagang kinakaladkad siya kahit saan sa buong distritong tinatakbuhan ng kuno-kunong boyfriend niya.
“Ang nakakaloka, kapag wala sa paligid ang pulitiko, e, pinagtatawanan ‘yun ng komedyana! Sinasabihan niya ng kung anu-anong salita, kasi nga, ginamit lang siya at naggagamitan lang sila.
“Nanalo ang pulitiko, kaya inangkin niya ang credit, kundi daw dahil sa kanya, e, hindi naman mananalo ang baguhang politician,” kuwento ng aming source.
Heto na. Nu’ng sumunod na eleksiyon, nabuhay na naman ang relasyon nila, nagkunwari na naman silang mag-boyfriend. Rumarampa na naman ang komedyana sa distritong tinatakbuhan ng politician.
Patuloy ng aming source, “Waley na! Olat na ang pulitiko, kulelat pa nga sa laban. Paano nga, wala naman siyang nagawa sa mga constituents niya, wala siyang nagawang maganda, kaya kahit pa magpagulung-gulong sa stage ang komedyana, wala na talaga siyang magagawa.
“Katunog ng isang birth stone ang name ng komedyanang itey, gets mo na?” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending