Pagdinig ng kaso ni Ricketts sisimulan na
Itinakda na ng Sandiganbayan Fourth Division ang pagdinig sa kasong graft ni Optical Media Board chairman Ronnie Ricketts sa Pebrero.
Sa pre-trial ng kanyang kaso kahapon, sinabi ng korte na sisimulan ang pagdinig sa Pebrero 15. Kinabuksan nito ay magkakaroon muli ng pagdinig.
Ang kaso laban kay Ricketts ay kaugnay ng pagpapabalik umano ng 121 kahon na puno ng piniratang DVD at CD na nakumpiska sa Quiapo noong Mayo 2010.
Mula sa tanggapan ng OMB ay isinakay umano ang mga DVD sa sasakyan ng Sky High Marketing Corp. at nakalabas ng compound ng walang gate pass.
Ihaharap ng prosekusyon bilang tetsigo ang dalawang security guard na naka-duty ng ilabas ang mga piniratang DVD.
Si Ricketts naman ay uupo rin sa witness stand upang patunayan na wala siyang kinalaman sa paglabas ng mga piniratang pelikula at kanta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.