SA kabila nang patuloy na pagpapakalat ng impormasyon sa tamang pagproseso ng kontrata ng overseas Filipino worker, patuloy pa rin ang pagbalewala ng mga tiwaling employer dito.
Gaya na lang ng kwento ng OFW sa Qatar.
Pitong buwan na siyang nagtatrabaho sa isang coffee shop ay pinapipirma na siya ng bagong kontrata upang mabawasan ang suweldo at mga benepisyo niya na unang napagkasunduan.
Contract substitution ang tawag diyan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA).
Ito’y isang anyo ng illegal recruitment.
Kahit pa nangyari ang insidente sa Qatar, ma-nanagot pa rin ang recruitment agency sa Pilipinas na nag-recruit at siyang nagpaalis sa OFW.
Responsibilidad ng ahensiya ang OFW habang nasa abroad hanggang sa pagbabalik nito.
Hindi maaaring sabihin na aksyon lamang i-yon ng employer ng OFW sa naturang coffee shop, at wala silang alam doon.
Tiyak naman na may local agency sa abroad na counterpart doon ang ahensiyang nagpadala sa ating kababayan doon.
Pareho silang may pananagutan sa ating OFW.
Ito ang kahalagahan ng mga kontratang prinoseso sa POEA dahil may ahensiyang puwedeng habulin at managot sa pwedeng mangyari sa ating OFW.
Mabuti at nakunan ng video ng ating kabayan ang aktong pamimilit sa kaniya na pirmahan ang naturang kontrata.
Palaging maging alisto sana ang ating mga OFW sa ganitong mga sitwasyon.
Tama ang ginawa ng ating kabayan. Alam niyang mali ang ipinagagawa sa kanya kung kaya’t nanindigan siyang huwag pirmahan ang naturang dokumento.
Ang iba kasi nating kababayan, sa takot na magalit ang kanilang amo at pauwiin sila, napipilitan na lamang pumirma.
Ngunit ang katotohanan niyan, kung nagawa nilang takutin kayo na palitan ang orihinal na kontratang prinoseso sa Pilipinas, tiyak na tantiyado na kayo ng inyong mga employer at patuloy ka-yong aabusuhin ng mga iyon.
Huwag kayong matakot na baka mapauwi lamang kayo at mapag-initan ng inyong mga amo.
Totoong palaging may sakripisyo kapag ipinagla-laban ang tama.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.