Bubble Gang 20 taon na sa GMA; may bagong pasabog Bandera

Bubble Gang 20 taon na sa GMA; may bagong pasabog

Ervin Santiago |November 25,2015
share this

Bubble Gang 20 taon na sa GMA; may bagong pasabog

Ervin Santiago November 25, 2015 - 03:00 AM
MICHAEL V

MICHAEL V

SA loob ng 20 taon hindi maikakaila na bahagi na ng kulturang Pinoy ang panonood ng award-winnning at longest-running gag show ng GMA na Bubble Gang.

Tulad nga ng sinabi ng Kapuso ace comedian na si Michael V., “Ang theme namin ay IMBG o I Am Bubble Gang kasi masasabi natin na lahat ng Pilipino may maliit na piraso ng BG sa kanila. And at the same time, the show itself e pinagsama-samang pagkatao ng mga Pilipino.”

Kaya naman ngayong 20 years na ang Bubble Gang, isang documentary special ang ihahandog ng buong barkada ngayong Biyernes. Sa tulong ng GMA News and Public Affairs na pinangungunahan ng dalawa sa mga pinagkakatiwalang news personalities sa bansa, sina Jessica Soho at Mike Enriquez, tiyak na aabangan ang episode na ito.

Kasama ang buong cast, mapapanood na ang mga kwento ng Bubble Gang sa harap at likod ng camera.

Hindi rin dapat palampasin ang mga kwentong ngayon lang ibabahagi ni Michael V. na siya ring creative director ng show.

Isang masaya at kwentuhang puno ng rebelasyon din ang dapat abangan dahil magbabalik si Ogie Alcasid at sasabak sa isang panayam kasama si Jessica Soho. Aba-ngan ang documentary special ng Bubble Gang sa Biyernes after Beautiful Strangers sa GMA.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending