Alden nagpagupit ng buhok, mas naging yummy pa sa Aldub Nation | Bandera

Alden nagpagupit ng buhok, mas naging yummy pa sa Aldub Nation

Cristy Fermin |November 25,2015
facebook
share this

Alden nagpagupit ng buhok, mas naging yummy pa sa Aldub Nation

Cristy Fermin - November 25, 2015 - 03:00 AM

ALDEN RICHARDS

ALDEN RICHARDS

NAKAKALOKA! Nagpagupit lang ng buhok si Alden Richards ay isang malaking isyu na!

Hindi na mapakali ang kanyang mga tagahanga, lalo na ang mga miyembro ng AlDub Nation, kilig na kilig ang mga ito sa bagong haircut ng kanilang idolo.

Kahit ang aming assistant na si Japs Gersin ay kilig na kilig, gusto na raw nitong dukutin ang Pambansang Bae sa TV, lalo raw kasing gumuwapo si Alden. Tingnan mo nga naman ang buhay ng mga artista.

Nu’ng hindi pa sumisikat ang kanilang tambalan ni Yaya Dub ay wala namang pakialam ang ibang tao kung magpakalbo man si Alden. Wala lang.

Pero ngayon ay ibang-iba na ang kanyang dating, lahat ng ginagawa ni Alden ay napakalaking isyu na, naglalabasan na rin ang mga inimbentong kuwento para lang siya siraan at wasakin.

Mabuti na lang at may magandang puhunan ang actor-singer, nakisama siya sa lahat nu’ng hindi pa siya ganito kasikat, kaya lahat ng nakakakilala sa kanya nang personal ay masaya sa kanyang tagumpay ngayon.

Mabentang-mabenta siya sa mga provincial shows, kinakagat talaga ang kanyang presyo, ito ang pagkakataong kailangang samantalahin ni Alden Richards dahil hindi naman lahat ng araw ay Pasko.

“Wala na halos siyang pahinga, sa van na lang siya natutulog. Ang maganda kay Alden, e, mahal na mahal niya ang trabaho niya,” kuwento sa amin ng isang staff ng Eat Bulaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending