Boyband na nagsimula sa Walang Tulugan ni Kuya Germs bibida sa sariling concert | Bandera

Boyband na nagsimula sa Walang Tulugan ni Kuya Germs bibida sa sariling concert

Ervin Santiago - November 25, 2015 - 03:00 AM

UPGRADE

UPGRADE

HINDI na mapipigilan ang first major concert ng teenage boyband na UPGRADE sa darating na Dis. 4, Biyernes, 8 p.m. sa Music Museum.

Pinamagatang, “UPGRADE Unstappable 2015”, panoorin kung paano patutunayan nina Ivan, Miggy, Raymond, Mark, Rhem, Casey at Armond kung bakit sila itinuturing ngayong hottest all-teen boyband sa Pinas.

Nagmula sa mga audition ang mga miyembro ng UPGRADE na pinangunahang buuin ng showbiz columnist-talent manager na si John Fontanilla ng Star Image Artist Management along with Vince Abasolo, David Cabawatan at Adele Albano.

Pagkatapos ng mahabang training, napili ang pitong bumubuo ng grupo ngayon. Unang lumabas ang UPGRADE sa Walang Tulugan noong Nob. 12, 2011 bilang guest performer lamang pero ginulat sila lahat ni Kuya Germs nang ianunsyo na gagawin na silang regular sa kanyang show.

Mula roon, ay sunod sunod na ang guestings at shows nila sa iba’t ibang programa sa TV, nagkaroon mg maraming mall shows at provincial tours.

Humakot na rin sila ng awards tulad ng Asian Achievers Award 2012 as Outstanding Filipino Boy Band (People’s Choice Award); Outstanding Young Performing Group, Dangal ng Bayan 2013; Boy Band of the Year, at marami pang iba.

Sa produksyon ng Aqueous Events & Star Image Artist Management, abangan ang talented young boys ng bagong henerasyon at makisaya sa kanilang first major concert. Tawag lang sa ticketing office ng Music Museum.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending