PNoy: Hayaang taumbayan na ang magdesisyon kay Poe | Bandera

PNoy: Hayaang taumbayan na ang magdesisyon kay Poe

Bella Cariaso - November 23, 2015 - 03:33 PM
HAYAAN na raw ang taumbayan ang magdesisyon kung iboboto ba nila si Senador Grace Poe, ayon kay Pangulong Aquino, sa harap na rin ng kabi-kabilang disqualification case na isinampa laban sa senador. “At the end of day, sovereignty resides in the people, let the people decide,” sabi ni Aquino bilang reaksyon sa pagkakabasura ng Senate Electoral Tribunal (SET) sa inihaing petisyon laban kay Poe na kumukuwestiyon sa kanyang citizenship. Iginiit ni Aquino na dapat ay magtrabaho muna bago mangampanya. “Pwede naman tayong magtrabaho muna baka wala pa ‘yung campaign period na formal for everybody. Lalo na ‘yung mga senador baka gusto niyong tapusin si BBL (Bangsamoro Basic Law) at saka approve na rin niyo ‘yung budget at tapos na rin naman sa inyo ‘yung proseso. Well, siyempre pasasalamat ko sa kanila,” ayon pa kay Aquino. Ayon kay Aquino, dapat ipasa ang BBL at budget bago matapos ang taon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending