True ba, Showtime tsugi na sa December; papalitan ng solo show ni Vice Ganda
Samu’t sari na ang nababalita tungkol sa napipintong pagtsugi raw sa It’s Showtime. Diumano, hanggang December na lang ang noontime show ng ABS-CBN. Pero bulung-bulungan naman na sa February, 2016 pa ang last airing ng show nina Vice Ganda, Billy Crawford, Vhong Navarro at Anne Curtis.
Pero lahat ‘yan ay pina-bulaanan ng isang executive ng It’s Showtime na nakausap namin kamakailan. Hindi pa raw sila sinasabihan ng ma-nagement na titigbakin na ang programa. Although, aware naman sila na “anything can happen” sa mga ganitong sitwasyon gaya ng mababang ratings ng show.
But so far, happy siya na ibalita na maganda ang nakukuhang ratings ngayon ng It’s Showtime. Nakakabawi na raw ulit ang show. Feeling ng source namin it is because of their new segments. At marami pa raw silang mga bagong pakulo sa mga susunod na buwan.
Mabilis ding kumalat ang balita na isang solo show ni Vice ang ipapalit sa It’s Showtime. Mala-talk show daw ang format gaya ng Gandang Gabi Vice, “I don’t think so. Unang-una, hindi papayag si Vice na maiwan siyang mag-isa at mawawala lahat ng kasama niya sa show.
Hindi gagawin ‘yun ni Vice. Mahal ni Vice ang mga co-host niya. Wala silang iwanan,” sabi ng TV executive. Ang laki-laki raw nang tinatanaw na utang na loob ni Vice sa It’s Showtime. Lagi raw nitong sinasabi na wala raw Vice Ganda kung walang It’s Showtime.
It’s all or nothing daw tiyak ang sasabihin ni Vice just in case alukin siya ng solo show sa tanghali.
Pangatlo, may balita rin na papasok daw si Mariel Rodriguez sa noontime show ng Dos next week.
Magiging guest co-host daw si Mariel sa show, “Hindi ko alam ‘yan. Baka as guest lang sa show pero hindi rin imposible dahil Direk Lauren (Dyogi) baby siya, e, ” sambit pa nito.
Si Lauren Dyogi ang Business Unit Head ng Showtime at Pinoy Big Brother kung saan nag-host si Mariel for several years.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.