KINUHA na rin ng kampo ni dating Interior secretary Mar Roxas ang serbisyo ng teen actress na si Kathryn Bernardo para makatulong sa kanyang kandidatura para sa 2016 presidential polls.
Sa isang post sa Instagram, ibinunyag ng asawa ni Roxas na si Korina Sanchez na sumunod na rin si Bernardo sa kanyang ka-love team na si Daniel Padilla para ikampanya si Roxas.
Nakasuot pa ng kulay dilaw ang magkapareha na mas kilala bilang ‘KathNiel’ habang naka-Laban na sign kasama ang mag-asawang Roxas.
Nilagyan pa ni Sanchez ng “#KathNiel is for Mar! Teen King and Queen Daniel Padilla and Kathryn Bernardo go for Mar Roxas for President in 2016!#DaangMatuwidPaMore,” ang i-pinost na litrato.
Nauna nang kinuha ni Roxas si Padilla sa isang tatlong-minutong video kung saan tinatalakay nila ang problema sa trapiko sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.