Kris Aquino sa mga napeste sa traffic dahil sa APEC: Quits na tayo, nasunog naman balat ko | Bandera

Kris Aquino sa mga napeste sa traffic dahil sa APEC: Quits na tayo, nasunog naman balat ko

- November 20, 2015 - 11:06 AM

SUSMARYOSEP! Dumale na naman pala itong mahaderang presidential sister ni PNoy na si Kris Aquino.

Matapos i-bash left and right dahil sa pagpapa-cute sa Mexican president, heto at nakakita na naman ang mga basher nang bagong iba-bash kay Kristeta.

Sa kanyang post sa Instagram account niya na (Withlovekrisaquino), sinabihan niya ang mga napeste sa trapik dahil sa nakaraang Asia Pacific Economic Cooperation (Apec) summit na quits na daw sila dahil nasunog naman daw ang kanyang balat sa page-entertain sa mga spouses ng mga economic leaders.

Eto ang bahagi ng IG post ni Kristeta:  ” Quits na tayo sa lahat ng nahirapan mag-commute these past few days, patas ang mundo, patche-patche naman ang balat ko.”

Dahil sa banas ng ilang nagpa-follow kay Kris, marami ang nagkomento nang todo-todo.

Gaya na lang ni momlizbeth423 na nagsabi: “Quits?  Kulang yan sa pinagdaanang hirap ng bansa…lakas sabihin 10B ang nagastos para sa APEC pero ang daming hinaing ng kababayan nyo na hindi maaksyon-aksyonan ng gobyerno!”

Sey naman ni michelleestolatan: “Sa mga fans ni ms kris na tulad ko, lets admit na mejo foul ang comment nya.  hindi naman cguro tama icompare ang hirap ng commuters sa sunburn and sabhin na patas ang mundo.  i don’t commute, but still i find it unfair and insensitive.  Let us learn to respect each other.”

Meron din namang nagdepensa kay Kris at sa gobyerno ng kanyang kapatid.  Tinawag ng iba na nagmamagaling lang ang mga nagkomento ng negatibo kay Kris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending