Lito Camo tatakbong mayor, humingi ng pera kay Willie | Bandera

Lito Camo tatakbong mayor, humingi ng pera kay Willie

Julie Bonifacio - November 18, 2015 - 02:00 AM

lito camo

Nagsimula nang mag-ce-lebrate ng Christmas si Willie Revillame sa Wowowin sa last taping na ginawa nila noong Huwebes. Ayaw paawat si Willie sa pamumudmod ng regalo sa kanyang audience para sa kanilang Nov. 29 episode.

November episode pa lang ‘yan, ha. Kaya tiyak na mas bongga pa ang December episodes nila. And then, pagpasok ng 2016 ay balitang mapapanood na araw-araw tuwing hapon ang Wowowin.

Anyway, naispatan namin sa taping ng Wowowin ang long-time friend ni Willie at composer na si Lito Camo na balitang namomroblema sa campaign funds para sa pagtakabo niya bilang Mayor ng Mindoro sa 2016.

Sinubukan niyang personal na puntahan si Willie para humingi ng suporta. Bukod kay Lito, nanood din sa taping ng Wowowin si Sen. Cynthia Villar. Nananatiling malapit si Willie sa pamilya ni dating Sen. Manny Villar na ngayon ay punung-abala naman sa negosyo ng kanyang pamilya.

Sa pagbisita ni Sen. Cynthia sa Wowowin ay isinabay na rin niya ang pag-imbita in behalf of Villar SIPAG (Social Institute for Poverty Alleviation and Governance) in partnership with NEGOSYO para sa 5th OFW & Family Summit 2015 “Ipon Mo, I-Negosyo Mo” na gaganapin sa World Trade Center on Nov. 26.

Tiyak na malaking tulong ang magagawa nito sa ating mga OFW at sa kanilang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending