Quen pumayag lumublob sa putikan na puro pooh-pooh ng kalabaw | Bandera

Quen pumayag lumublob sa putikan na puro pooh-pooh ng kalabaw

Julie Bonifacio - November 16, 2015 - 02:00 AM

enrique gil

 

Hindi nakakasawa ang beauty ni Liza Soberano habang pinagmamasdan namin sa mini presscon nila ni Enrique Gil dahil until now ay pinipilahan pa rin sa more or less 100 theaters ang blockbuster movie nilang “Everyday I Love You.” Lahat ng anggulo maganda si Liza considering na ang call time ng presscon is at 10 a.m. huh!

Say nga namin sa kasamahan sa panulat at kumareng si Vinia Vivar, binuhos na yata nang todo ng Diyos kay Liza ang lahat ng kagandahan. Mala-anghel kasi ang mukha nito na kahit nangsisinungaling na siguro at masama ang ugali, e, hindi namin paniniwalaan.

No wonder super in-lovey si Enrique sa kanya. Kapag feeling down si Liza, si Enrique ang nagpapa-good vibes sa kanya. That’s one of the qualities ni Enrique na type na type ni Liza sa kanya.

It’s no secret naman na prior sa showing ng “Everyday I Love You” ay dumaan sa matinding pagsubok sina Enrique at Liza. Pero matapang nilang hinarap ang pagsubok at nanatiling magkasama.

Kaya naman hindi sila iniwan ng kanilang mga fans at sinuportahan nang todo-todo ang kanilang pelikula. “What made us strong? We stood by each other, saka ‘yung families namin. I mean, at the end of the day, kasi you sleep with the people you love.

You wake up with the people you love, ‘di ba? (sabay tingin niya kay Liza). Di ba we sleep? (tanong niya kay Liza). At the end of the day that’s who you are with, your family and your loved ones. So, para sa akin, they matter the most,” pahayag ni Enrique.

Maraming ipinartner kay Enrique pero hindi nag-click. Para kay Enrique, iba talaga when you really feel something. At ibang-iba nga raw si Liza, “Siguro sa iba, yeah loveteam kami, but iba talaga kapag alam mong may something, halatang may gusto, ‘di ba?

Kasi ayoko ring maging close masyado sa leading lady ko kasi unang-una, ayaw mo siyang guluhin. And baka isipin nila, ‘Ah, baka gusto niya ako.’ O baka mag-focus sa ‘yo lang. So, ayoko ng ganoon, ayoko ng plastic. Baka isipin na showbiz ako,” sabi pa ni Enrique.

Binuking naman ni Enrique na si Liza ang unang nagsabi na crush siya nito, “Siya ‘yung una na pinanghahawakan ko hanggang ngayon, oooy. Hindi, joke lang! Kasi nakita nila never pa raw akong nag-girlfriend sa iba.

Kasi that time hindi nag-click. I think it’s more of ‘yung feeling kasi ng tao sa isa’t isa like ‘yung KathNiel ‘di ba? Totoo ‘yun, alam mo ‘yung ganoon? “So, if you really see something that is real, people will gonna believe that and they want to believe what they see.

So, ‘yun,” hirit ni Enrique Very open sila na gusto nila ang isa’t isa pero hindi pa sila officially on. Wait pa raw si Enrique na mag-18 si Liza sa January, “Nag-I love you naman po ako sa kanya. Nag-tweet pa nga po ako, e.

Syempre, I say I love you kasi he’s the person I meet everyday. Best friend ko siya. So, syempre love ko siya.” Tinanong din namin sina Enrique at Liza regarding sa most memorable scene nila sa “Everyday I Love You”, “‘Yung nahulog po sa putikan na puro pooh-pooh.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pooh-pooh talaga siya. Fee-ling ko pooh-pooh talaga siya at nakain pa ni Enrique. Eeeewww!” Anyway, nagpi-pre production na ang susunod na teleseryeng gagawin ng LizQuen. Magsisimula na raw silang mag-taping sa December at sa first quarter ng 2016 ipapalabas.

Anytime now ay mag-aaral na si Liza mag-Italian at maggitara naman si Enriaque. Magkabaligtad naman daw ngayon ang role nila sa karakter nila noon sa Forevermore. And this time, isang original story at ‘di remake ang gagawin nila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending