Terror attack sa Paris kinondena ng Pinas
NAKIISA ang bansa sa pagkondena sa terror attack na nangyari sa Paris kung saan mahigit 120 katao na ang naiulat na nasawi.
Nangyari ang pag-atake dalawang linggo bago ang gagawing climate change conference sa naturang lungsod, na inaasahang dadaluhan ng mahigit 100 pinuno ng mga estado mula sa ba’t ibang bansa.
Samantala, lalong pinaigting ng pambansang Pulisya ang seguridad sa bansa ngayong malapit na ang gagawing Asia Pacific Economic Cooperation summit na dadaluhan naman ng 21 lider mula sa bansa sa Asia Pacific.
“The Philippines condemns unequivocally the horrific terror attacks on Paris. These were cowardly assaults on innocent and defenseless people,” ayon sa kalatas ng Department of Foreign Affairs.
“There is no possible justification for such barbaric savagery. The world must stand together against violent extremism,” dagdag pa nito.
Ayon naman kay Assistant Secretary Charles Jose, spokesperson ng DFA, sa ngayon ay wala pang napaulat na Pilipino na nasawi o nasugatan nang pasabugin ng mga terorista ang national stadium habang sa gitna ng rock concert.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.