Robi na-trauma sa love scene nila ni Andi
TINANGGIHAN ni Robi Domingo na magbida sa isang teleserye dahil feeling niya hindi pa siya ready para maging aktor.
“Hindi ko alam kung pwede kong sabihin (title ng show) pero it’s under Dreamscape. Sobrang iniisip ko na sana kunin but I asked the help of my manager (Johnny Manahan) and my handler Tita Lulu Romero and sinabi nila na focus ka muna sa ginagawa mo,” chika ng TV host sa after ng presscon ng reality talent search na Dance Kids kung saan magsisilbi siyang host along with Alex Gonzaga.
“Ako din sa sarili ko gusto ko muna na magkaroon ng isang award when it comes to hosting para patunayan ko na hey na-conquer ko na ang isang step bago ako mapunta sa iba. Kasi ayaw kong maging jack of all trades na ita-try mo lahat pero paikot-ikot ka lang. Gusto ko isa kang master sa ginagawa mo,” aniya pa.
Na-trauma rin daw siya nang gawin niya ang isang love scene sa seryeng Kahit Puso’y Masugatan kasama si Andi Eigenmann.
“Medyo na-trauma ako doon kasi may love scene na hindi ko naman ini-expect. So medyo hinay-hinay muna sa ganoon. Sana iwasan muna kasi parang hindi para sa akin ‘yung mga ganoon,” paliwanag pa ni Robi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.