PH handang-handa na para sa APEC summit; kooperasyon ng lahat hiniling
SINABI ng pamahalaan na handang-handa na ang Pilipinas para i-welcome ang mga delegado para sa Asia Pacific Economic Conference (APEC) na nagsimula nang magdatingan.
Sa isang press conference, kinumpirma ni Ambassador Marciano Paynor, Jr., APEC 2015 National Organizing Council Director General na inatasan ng gobyerno ang mga hotel sa palibot ng Roxas Blvd. na tiyaking nakasara ang kanilang bintana para matiyak ang seguridad ng mga delegado.
“Yes that is true. Part of how we can secure leaders as they go, leaders’ convoy as they traverse Roxas Boulevard from their hotels coming in to PICC is to have windows closed, and this is a basic security practice worldwide,” sabi ni Paynor.
Kasabay nito, nanawagan si Paynor sa kooperasyon ng lahat para matiyak ang tagumpay ng pagdaraos ng APEC sa bansa.
“So we ask everyone’s cooperation and patience and indulgence and we request that they all show the Filipino brand of hospitality that we are well known for.o We hope that they are able to successfully conclude APEC 2015 with the Leaders’ Declaration being finalized during the Leaders’ Retreat and meeting on the 19th,” ayon pa kay Paynor.
Humingi rin ng pang-unawa si Paynor sa harap naman ng ipinapatupad na paghihigpit ng gobyerno.
“There is no doubt that many of us will be inconvenienced, but that is part of the hosting. It just so happens that in this particular case we are hosting APEC here in our capital,” dagdag ni Paynor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.