Judge patay sa ambush sa Malolos, Bulacan | Bandera

Judge patay sa ambush sa Malolos, Bulacan

John Roson - November 12, 2015 - 06:40 AM

NASAWI  ang isang huwes nang pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin sa Malolos City, Bulacan, Miyerkules ng hapon. Ikinasawi ni Judge Wilfredo Nieves, ng Malolos Regional Trial Court Branch 84, ang mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Bulacan provincial police. Naganap ang pananambang dakong alas-5 ng hapon sa bahagi ng MacArthur Highway na sakop ng Brgy. Ticay. Pauwi ang huwes, sakay ng kanyang Toyota Fortuner (UOC 273) nang mangyari ang pananambang. Nasa isang stop light si Nieves, nang bumaba ang ilang taong sakay ng isang silver na Toyota Innova at isang motorsiklo, nilapitan siya, at saka pinaulanan ng bala ang kanyang sasakyan, ayon sa pulisya. Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan at motibo ng mga salarin habang isinusulat ang istoryang ito. Naganap ang pagpatay kay Nieves dalawang buwan lang matapos ding pagbabarilin at mapatay ng di pa kilalang salarin si Judge Jude Erwin Alaba, ng Regional Trial Court Branch 91 sa Baler, Aurora.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending