OFWs may sakit na ‘praningitis’ | Bandera

OFWs may sakit na ‘praningitis’

Susan K - November 11, 2015 - 03:00 AM

TANDANG-Tanda ko pa ang masayang airport noong panahon nina dating General Manager Alfonso Cusi at Assistant General Manager Tirso “TG” Serrano ng Manila International Airport Authority o MIAA.

Smiling airport, ito ang image na ipinatupad noong sila pa ang nasa MIAA.

Madalas na kwento ni Seranno, dapat sa airport pa lang ramdam na ng ating kababayan at mga dayuhang bisita na welcome na welcome sila; hindi nag-aalala.

Kaya nang pumutok ang balitang “laglag-bala” o “tanim-bala”, naalala namin tuloy si Mr. TG. Wala kasing ganitong mga kaso noon.

Ayon kay Serrano, ang MIAA ang naturingang gateway ng Pilipinas, kaya dapat lamang na kaaya-aya ang ating paliparan, palakaibigan at hindi kinatatakutan.

Eh ngayon, iba na ang pakiramdam. Matinding takot na ang bumabalot sa kanila.
Kaya nga nagpapabalot na rin sila ng plastic.

Hindi na excited umuwi ng bansa ang mga OFW dahil nakakapraning lang. May sakit nga raw silang “praningitis”.

Yung iba, ipinagpaliban na ang pag-uwi, at uuwi na lang daw pag nagsawa na ang mga abusadong nilalang sa airport na mambiktima na mga pasahero.

Kahit sabihin pang napakaganda ng bansang Pilipinas, napakaraming mga lugar na maaaring pasyalan, ngunit hindi na sapat iyon upang hindi magdalawang-isip ang mga nais pumunta rito.

Aba’y sino ba namang hindi matatakot sa nangyayari ngayon sa airport?

Kulang na lang i-plastic hindi lang ang mga bagahe kundi pati na ang buong katawan nila at hand-carry luggage at tanging mukha at mga kamay na lamang ang hindi selyado.

Nakalulungkot isiping Pilipino mismo ang sumasabotahe sa ekonomiya ng bansa.

Natural nga namang bawas agad ito sa maaaring kitain ng bansa at magamit sana pampaikot ng ating ekonomiya.

Napupurnada ang negosyo gaya na lang nga mga OFW o balikbayan at mga turista na gustong magtungo rito pero nanamlay na dahil sa mga sigalot na nangyayari sa airport.

Siyempre may pera sa turismo. At kapag maraming nagbibiyahe, dagdag kita ito sa mga lokal na probinsiya at hanapbuhay naman sa mga naninirahan doon. Pag hindi natigil ang ganitong pangyayari, e, ano pa ang turismo natin?

May naghahanap-buhay at kumikita sa laglag bala na yan. Pero mas matindi ang kapalit, pinapatay naman nito ang ekonomiya ng bansa.

Sana mas mabilis na maresolba ng pamahalaan ang problemang ito, dahil mulat na rin ang iba’t-ibang panig ng mundo sa negatibong mga balitang ito at ang matinding epekto – kinatatakutan na ngayong puntahan ang Pilipinas.

Wala na nga ang “smiling airport” ni TG Serrano. Napalitan na ito ng “simangot airport”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990AM,M-F 10:30 am hanggang 12noon. Maaring sumulat sa [email protected]/ [email protected] o magtungo sa Bantay OCW Foundation satellite office: 3/F, 24H City Hotel, 1406 Vito Cruz Extension cor. Balagtas St., Makati City Tel:632.899.2424

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending