My Faithful Husband nina Dennis at Jennylyn may pasabog na ending
SIGURADONG magigimbal ang lahat ng sumusubaybay sa GMA Telebabad series na My Faithful Husband sa mga eksenang mapapanood sa huling tatlong gabi ng programa. Kaya ang pakiusap nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo huwag na huwag na kayong bibitiw.
Ngayong gabi, sasama na naman ang tingin ni Mel (Jennylyn) kay Emman (Dennis) pagkatapos ng aksidente ni Ning. Magiging sobrang higpit si Mel kay Ning.
Sasabihin ni Emman kay Carmen (Rio Locsin) na handa siyang laging magparaya kay Mel kung doon sasaya ang asawa. Magpapatuloy si Mel sa paninisi kay Emman – at mapupuno na ang lalaki.
Aakuin na ni Emman ang lahat ng kasalanan, pero galit pa rin si Mel – kaya magwo-walkout na ang lalaki. Ipapaliwanag ulit ni Emman kay Ning na wala na ang kapatid nito.
Hihilingin ni Ning na sana tulungan ni Aliyah ang mga magulang nilang maging masaya ulit. Malulungkot si Emman na malapit na ang wedding anniversary nila ni Mel, pero ngayon pa sila nagkakasira ng asawa.
Habang kausap si Carmen, mapapaisip si Mel kung kay Emman nga ba siya galit – o sa sarili niya.
Makikiusap si Emman kay Mel na sabihin sa kaniya kung ano ang pwedeng gawin para maayos ang marriage nila.
Magugulat si Emman nang malamang umalis sina Mel at Ning nang hindi nagsasabi sa kaniya. Masasabi namana nito kay Adelle (Julia Lee) na kailangan niyang layuan si Emman,pero pagsasabihan siya ng kaibigan na ‘wag ‘yun gawin.
Maghahanda ng surprise si Emman para kay Mel, sa pag-asang ito ang magiging daan para sila’y magkaayos. Pero hihilingin ni Mel na maghiwalay na sila. Pipigilan naman ni Emman ang pag-eempake ni Mel at sasabihing siya na lang ang aalis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.