Coast Guard detachment ni-raid ng NPA
Natangayan ng baril at sari-saring gamit ang isang detachment ng Coast Guard sa Caramoan, Camarines Sur, nang salakayin ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA), ayon sa pulisya.
Nagtipon din ang mga rebelde, na aabot sa 28, sa simbahan ng Brgy. Guijalo bago nagpulasan, sabi ni Senior Supt. Walfredo Pornillos, direktor ng Camarines Sur provincial police.
Walong rebelde, na pawang mga naka-sibilyang damit at armado ng mahahaba’t maiigsing baril, ang nang-raid sa Coast Guard detachment sa naturang barangay, sabi ni Pornillos sa isang text message.
Kabilang sa walo ang umano’y lider ng mga rebelde, na nanutok ng baril kay SN1 Juan Miguel Ravago ng Coast Guard, aniya.
Kinuha ng mga rebelde ang sari-saring gamit, na kinabibilangan ng mga uniporme, isang M16 rifle, base radio, dalawang handheld radio, at mga dokumento ni Ravago, habang aabot sa 20 pa ang nagsibi bilang “blocking force,” ani Pornillos.
Pinagbabaril din ng mga sumalakay ang speed boat ng Coast Guard bago umalis, kaya napinsala ang sasakyan, aniya.
“They stayed the Guijalo church after that, then scattered to different areas,” ani Pornillos.
Nagpakalat na ng mga pulis at miyembro ng Army 42nd Infantry Battalion para tugisin ang mga salarin, aniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.