Jessy Mendiola kay JM de Guzman: Wag na nating ipilit, basta ipagdarasal ko siya!
AYAW naming isipin na gumigimik lang si Jessy Mendiola kaya naging madali lang para sa kanya ang umaming muli na naman silang nag-break ni JM de Guzman.
This coming Nov. 9 na kasi mag-uumpisa ang serye nilang You’re My Home at meron pa siyang bagong show ngayon sa ABS-CBN, ang gag show na Banana Sundae.
Imagine, yun ngang sexy photos niya sa Instagram ay mainit nang pinag-uusapan sa social media, kaya what more ang tungkol sa paghihiwalay nila uli ni JM?
Kung dati-rati ay matipid ito sa pagsasalita at parang nahihiya pang umamin tungkol sa kanila ni JM, ibang-ibang Jessy ang nakaharap ng press people kamakailan, mas matapang na itong sumagot sa mga isyu at diretso na niyang naidedetalye ang break-up nila ni JM.
Sabi pa ni Jessy, wala naman daw dahilan para ilihim pa ang estado nila ng kanyang ex-dyowa (for the second time) dahil alam na naman daw ito ng buong bayan. “Friends” pa rin naman daw sila ni JM after the break-up, unlike the first na halos taon din ang inabot na wala silang kibuan o kumustahan man lang.
Pero nang itanong dito kung may chance pa ba if ever na magkaroon ng third time sa kanila ng aktor, napailing ito at nagbigay ng mapait na ngiti, sabay sabing, “He’s a good person. Napaka-talented na tao. Very passionate.
Huwag na sigurong ipilit kung hanggang doon na lang o kung hindi para sa iyo.” Sey pa ni Jessy, sa ngayon ang tanging magagawa lang niya para kay JM ay ipagdasal ito and wish him the best.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.