Arnel saludo sa AlDub; Lani miss na miss ang apo sa US
TINAWANAN lang ng international singer na si Arnel Pineda ang naging isyu sa kanya kamakailan tungkol sa ginawa niyang pabebe wave sa episode ng It’s Showtime noong Oct.10.
Naging hurado kasi ang bokalista ng The Journey sa ginanap na “Clash Of Celebrity” segment ng noontime show ng ABS-CBN. At habang nagkokomento sa isang contestant, biglang nag-pabebe wave si Arnel na ikinagulat ng mga host ng show, pati na rin ng audience.
Identified nga kasi ang pabebe wave sa Eat Bulaga ng GMA 7 na pinasikat nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Kalyeserye ng programa. Nang matanong tungkol dito si Arnel sa ginanap na presscon ng next major concert ni Lani Misalucha na “Voice Of The Nightingale” na gaganapin sa The Theater ng Solaire Resort & Casino sa Dec. 4 and 5, natawa na lang ang singer.
“Oo nga. Nag-apologize na naman na ako at hindi ko naman sinasadya yun,” chika ni Arnel. Dagdag pa niya, talagang hindi na mapipigilan ang pagsikat ng AlDub, “May mga ano nagtu-tweet sa akin. Grabe, Aldub… wala, e. Phenomenal, e,” sey pa ng singer na magiging special guest nga ni Lani sa concert nito.
Speaking of Lani, inamin nito na isa sa mga nagpapasaya sa buhay niya ngayon ay ang kanyang apo sa kaniyang panganay na anak. Excited na nga raw siyang bumalik sa Amerika bago mag-Pasko dahil miss na miss na niya ang kanyang apo.
“Iba yung pakiramdam sa totoo lang, iba talaga. Hindi ko ma-explain. The joy is just overwhelming,” pahayag ng Asia’s Nightingale tungkol sa apong si Joey na malapit nang mag-two years old.
Personal din daw niyang inaalagaan ang bagets, “Kapag nasa bahay, papaliguan. Papakainin. Ilalabas ko at ibibili ng damit.”
After ng kanyang “Voice Of The Nightingale” concert niya sa Dec. 4 and 5 ay lilipad na siya patungong Amerika para doon mag-celebrate ng Chritsmas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.