3 patay sa aksidente sa Ifugao, Benguet | Bandera

3 patay sa aksidente sa Ifugao, Benguet

John Roson - November 05, 2015 - 04:26 PM

benguet
Tatlo katao ang nasawi sa magkasunod na aksidenteng kinasangkutan ng mga dump truck at motorsiklo sa Ifugao at Benguet kagabi, ayon sa pulisya.

Nasawi sina Mhorvelle Buyaco, 18, at Analyn Binwag, 24, matapos salpukin ng dump truck ang sinakyan nilang motorsiklo sa Lagawe, Ifugao, ayon sa ulat ng Cordillera regional police.

Naganap ang insidente sa pababang bahagi ng National Road na sakop ng Attandi, Brgy. Cudog, dakong alas-10 ng umaga.

Lumabas sa imbestigasyon na sumalpok ang dump truck (PHA-744) na dala ni John Mark Hangdaan sa motor na minaneho ni Buyaco nang sakupin nito ang kabilang lane.

Matapos ang salpukan, tumagilid pakanan ang trak kaya nagtamo ng pinsala si Hangdaan.

Sumuko sa lokal na pulisya si Hangdaan, pero dahil sa mga sugat ay dinala sa Lagawe Rural Health Clinic at pagdaka’y nilipat sa Veterans Regional Hospital ng Bayombong, Nueva Vizcaya, para sa karagdagang lunas.

Samantala, nasawi si Alfredo Sotelo, 39, nang makasalpukan ng kanyang motor ang isa ring dump truck sa Tuba, Benguet dakong alas-6 ng umaga Miyerkules.

Nakasalpukan ng motor ni Sotelo ang dump truck (XMD-724) na dala ni Henry Moguil sa Brgy. Camp 4.

Sinabi ni Moguil sa pulisya na paakyat noon si Sotelo sa Baguio City at siya nama’y pababa.

Nakita umano ni Moguil na inunahan ni Sotelo ang isang van at lumipat sa kanyang lane, kaya siya nag-preno at gumilid pakanan.

Sa kabila nito, tumama pa rin sa trak ang motor at dahil sa impact ay tumalsik si Sotelo at nahulog sa kalsada.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending