Sen. Lito Lapid kinasuhan ng Ombudsman | Bandera

Sen. Lito Lapid kinasuhan ng Ombudsman

Leifbilly Begas - November 05, 2015 - 03:12 PM

Lito Lapid

Lito Lapid


Sinampahan ng kasong graft ng Office of the Ombudsman si Sen. Lito Lapid kaugnay ng fertilizer fund scam na napunta sa kanyang tanggapan noon siya pa ang gubernador ng Pampanga.
Kasama ni Lapid sa kasong isinampa sa Sandiganbayan si Benjamin Yuzon, provincial accountant, at Vergel Yabut, treasurer ng Pampanga, Ma. Victoria Aquino-Abubakar at Leolita Aquino, mga incorporators ng Malayan Pacific Trading Corp., at Dexter Vasquez, proprietor ng DA Vasquez Macro-Micro Fertilizer Resources. Nagsabwatan umano ang mga akusado noong Mayo 2004 kaugnay ng pagbili ng overpriced na fertilizer.
Umabot sa 3,880 litro ng Macro-Micro Foliar Fertilizer ang binili ng Pampanga government sa DAVMMFR at ipinamigay ng MPTC.
Hindi umano dumaan sa public bidding ang pagbili at pinalabas umano sa sertipikasyon ni Lapid na wala ng ibang maaaring substitute ang kanilang binibili kaya pumasok ito sa direct purchase.
Kinuwestyon din ng Ombudsman ang mabilis na delivery at pagbabayad sa proyekto na tumagal lamang ng 14 araw.
Noong Agosto 15, 2005 lamang din umano nag-apply ng Product Registration si Vasquez sa Fertilizer Pesticide Authority pero ang kontrata ay nangyari noong Mayo 2004.
Nagkakahalaga ng P4.7 milyon ang ibinayad sa MPTCo P1,250 kada litro o overpriced ng P1,100 kada litro o kabuuang P4.268 milyon.
Inirekomenda ang P30,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng mga akusado.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending