Alden, iba pang hosts ng Eat Bulaga binalaan sa mga sindikato sa Internet | Bandera

Alden, iba pang hosts ng Eat Bulaga binalaan sa mga sindikato sa Internet

Ervin Santiago - November 05, 2015 - 02:00 AM

yaya dub

PINAG-IINGAT na rin ng mga kinauukulan ang Pambansang Bae na si Alden Richards para hindi ma-hack ang kanyang social media accounts tulad ng nangyari sa kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza.

Posible raw kasi na siya na ang next target ng isang grupo ng mga professional hacker matapos silang magtagumpay sa pag-hack sa Twitter at iba pang social media accounts ni Yaya Dub.

Ang Anonymous Philippines ang umako sa pangha-hack ng social media accounts ni Maine noong Martes at nanghingi na rin ito ng sorry sa dalaga at sa milyun-milyong fans ng AlDub.

May mensahe lang daw silang gustong ipara-ting sa kinauukulan kaya sila pumasok nang walang pahintulot sa account ni Maine. Nu’ng Martes ng gabi ay naibalik din sa normal ang Twitter account ni Yaya.

Ayon nga sa isang follower ng AlDub, “Si Alden na sunod. Balaan nyo na po. Baka sa friday hacked na yun.” Nabatid din na masusing binabantayan ngayon ng AlDub Nation ang Twitter accounts ng kanilang administrators at maging ng iba pang hosts ng Eat Bulaga dahil baka sila na ang susunod na mabiktima.

At dahil ikino-consider na ring high-profile celebrity si Maine, nagsasagawa na rin ngayon ng imbestigasyon ang Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) para matukoy ang mga taong nasa likod ng pangha-hack sa social media accounts ni Yaya Dub.

Samantala, hindi naman binigo ni Alden ang kaibigang si Bea Binene dahil talagang nag-effort siya na makapunta sa debut nito noong Martes na ginanap sa Maynila Ballroom ng Manila Hotel.

Siyempre, tuwang-tuwa ang ex-dyowa ni Jake Vargas dahil sa pagdating ng binata. Si Alden ang nagsilbing last dance ni Bea sa 18 Roses.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending