April Boy nagpabaya sa kalusugan kaya ’NABULAG’: Nasa huli lagi ang pagsisisi!
Basta pinagtutugtog namin sa “Cristy Fer Minute” (92.3 News FM-AKSYON TV) ang piyesang “Tanging Hiling” ni April “Boy” Regino ay maaasahan na ang kaliwa’t kanang reak-syon ng ating mga kababayan.
Nananaghoy kasi ang kanta, isang dasal ‘yun na nilapatan ng himig ng Jukebox King, isang piyesang humihiling na sana’y pagali-ngin ng Diyos ang kanyang karamdaman.
Hindi na nakakakita nang malinaw ang magkabilang mata ni April Boy, nakakabanaag na lang siya, madilim na ang mundong ginagalawan niya ngayon.
Tinapat na ng kanyang mga doktor ang Idol Ng Bayan na milagro na lang ang makapagpapabalik sa kanyang dating paningin, matindi ang na-ging problema sa mga ugat sa kanyang mga mata, ‘yun ang naging resulta ng pagpapabaya ni April Boy sa kanyang katawan-kalusugan.
“Totoo po palang nasa huli ang pagsisisi. Nu’n pa po ako pinagsasabihan ni Madel, ang misis ko, na huwag kong abusuhin ang katawan ko. Pero naging matigas po ang ulo ko, hindi ako sumusunod sa kanya, nagagalit pa nga ako kay Madel kapag pinaaalalahanan niya ako.
“Ang palagi kong ikinakatuwiran sa kanya, e, wala naman akong bisyo, hindi ako nagsusugal at nambababae, kaya hayaan na niya akong uminom na lang dahil ‘yun lang naman ang kaisa-isa kong bisyo.
“Ito po ang naging resulta ng pagiging diabetic ko. Napakahirap, wala na halos akong nakikita, malapit na malapit na ang kaharap ko, pero parang shadow lang ang nakikita ko,” pagtatapat ni April “Boy” Regino.
Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa na isang araw ay bubuti rin ang kanyang kalagayan. Tulad ng sinasabi ng kanyang kanta, “Kayo po ang dakilang manggagamot ko, kaya tanging hiling ko’y pahabain N’yo pa ang buhay ko.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.