Maine bagong reyna ng TV Commercial; mga naninira sa AlDub butata, nganga
Maraming sikat na artistang nasagasaan nang hindi sinasadya ni Maine Mendoza, ang Yaya Dub ng sambayanang Pilipino, ang palagi nang nami-miss ngayon ni Alden Richards.
Nakamamangha naman kasi ang biglang pagdami ng kanyang TV commercials, kahit saang ista-syon ka tumutok ngayon ay mukha ni Maine ang bubulaga sa iyo, parang wala nang interes ang mga ahensiya ngayon sa ibang mga artista at sa kanilang loveteam na lang ni Alden nakasentro ang mga kumpanya.
Kunsabagay, ganu’n naman talaga sa mundo ng advertising, kung sino ang sikat at may magandang imahe sa publiko ang kanilang kinukuhang tagapag-endorso. At ang sigaw ng buong bayan ngayon ay AlDub.
Sila ang kinakikiligan ng ating mga kababayan, sila ang hinahanap at hinahangaan, kaya hindi natin masisisi ang mga agency kung bakit nakatutok ang kanilang tingin ngayon kina Maine at Alden bilang endorser ng kanilang mga produkto.
Parang kumpetisyon lang ‘yan sa bentahan ng paboritong pausok ng mga Pinoy. Nakakamangha dahil kahit saan ka magpunta, lalo na sa mga probinsiya, ang makikita mong tatak ng sigarilyo ay Mighty, Chelsea, King at Marvels.
‘Yun ang dahilan kung bakit sila ginagaya ng kanilang mga kalaban, ginagaya na nga ay sinisiraan pa, pinepeke na rin ngayon ang kanilang mga produkto. Para silang AlDub.
Ginagaya na ay sinisiraan pa, ibinabagsak dahil sila ang nasa itaas ngayon, kung anu-anong komento ng paninira ang pinalulutang tungkol sa pinakasikat na loveteam pero sorry na lang sa mga ito.
Nananalamin ang sambayanang Pilipino sa mga napapanood nilang eksena sa kalyeserye ng Eat Bulaga. Ang kulturang Pinoy ay buhay na buhay sa kalyeserye.
Kaya hindi ‘yun basta komedya lang, hindi ‘yun basta pakilig lang, maraming natututuhan lalo na ang mga kabataan sa mga inili-litanya ni Lola Nidora.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.