Lakers kinapos sa Mavericks | Bandera

Lakers kinapos sa Mavericks

Melvin Sarangay - November 03, 2015 - 01:00 AM

lakers

LOS ANGELES — Umiskor si Dirk Nowitzki ng 25 puntos para pangunahan ang Dallas Mavericks na mapigilan ng huling ratsada ng Los Angeles Lakers tungo sa pagtala ng 103-93 pagwawagi sa kanilang NBA game kahapon.

Ito rin ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng prangkisa ng Lakers na nagsimula sila na may 0-3 karta sa magkasunod na season. Natalo sila sa naunang limang laro nitong nakaraang season at nagtapos na hawak ang kanilang pinakamasamang record (21-61).

Binuksan ng Mavericks ang laro gamit ang 15-0 ratsada kabilang ang tig-dalawang 3-pointers mula kina Wesley Matthews at Nowitzki, na may pinakamaraming  3-point shots mula sa isang 7-footer sa kasaysayan ng liga (1,580).

Sumablay ang Lakers sa naunang limang tira bago nakaiskor si Julius Randle mula sa isang dunk may 7:13 ang nalalabi sa unang yugto. Nagposte rin si Randle ng kanyang ikalawang sunod na double-double sa itinalang 22 puntos at 15 rebounds.

Si Kobe Bryant ay gumawa ng 15 puntos mula sa 3-of-15 shooting.

THUNDER 117, NUGGETS 93
OKLAHOMA CITY — Kumana si Kevin Durant ng 25 puntos para tulungan ang Oklahoma City na tambakan ang Denver.

Tumira si Durant ng 8 of 11 field goals at nagbuslo ng anim na free throws para tulungan ang kanilang bagong coach na si Billy Donovan na manatiling walang talo sa NBA.

Nagtala si Serge Ibaka ng 18 puntos, pitong rebounds at limang blocks habang si Russell Westbrook ay may 15 puntos, siyam na rebounds at walong assists para sa Thunder, na nagwagi sa kanilang unang tatlong laro sa kauna-unahang pagkakataon magmula noong 2011-12 season.

Tumira ang Thunder ng 52 porsiyento mula sa field at ang lahat ng limang Oklahoma City starters ay pinagpahinga sa kabuuan ng ikaapat na yugto.

Sina Danilo Gallinari at Will Barton ay umiskor ng tig-15 puntos habang si Jameer Nelson ay nagdagdag ng 13 puntos at pitong assists para sa Nuggets, na tumira lamang ng 38 porsiyento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

HEAT 109, ROCKETS 89
MIAMI — Gumawa si Hassan Whiteside ng 25 puntos at 15 rebounds habang kinamada ni Chris Bosh ang lahat ng kanyang 10 puntos sa ikaapat na yugto para pamunuan ang Miami na burahin ang 21 puntos na paghahabol sa second-half para talunin ang Houston.

Umiskor si Dwyane Wade ng 20 puntos habang si Luol Deng ay nag-ambag ng 14 puntos para sa Miami.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending