Lovi nakiusap sa Press na wag nang pag- usapan si Rocco; may matinding problema? | Bandera

Lovi nakiusap sa Press na wag nang pag- usapan si Rocco; may matinding problema?

Ervin Santiago - November 02, 2015 - 02:00 AM

lovi poe

NAKIUSAP si Lovi Poe sa entertainment press na kung maaari ay huwag na munang pag-u-sapan ang relasyon nila ng kanyang boyfriend na si Rocco Nacino.

Sa nakaraang presscon ng bagong endorsement ni Lovi, ang Imono Steel Jewelry kasama si JC de Vera, sinabi ng Kapuso actress na gusto muna niyang gawing private ang relationship nila ni Rocco.

Kaya naman agad nagduda ang media na nasa event na baka may pinagdaraanan sila ng boyfriend.
Kung noon ay very open sa kanilang love affair ang dalawang Kapuso stars ngayon ay tila nagdamot si Lovi na balitaan ang publiko sa estado nila ni Rocco.

Ngunit ayon sa dalaga wala naman daw silang pinag-awayan ni Rocco, mas mabuti na raw yung tahimik lang sila para iwas intriga. Bukod dito huwag na raw lagyan ng kulay ang pagbabakasyon niya sa Europe sa katapusan ng November nang hindi kasama si Rocco.

Treat daw niya ito sa kanyang mommy at tiyahin na matagal na niyang naipangako sa mga ito.
Bukod sa GMA Telebabad series na Beautiful Strangers with Rocco and Heart Evangelista, nakatakda ring simulan ni Lovi ang indie epic movie na “Oriang”.

Pagkatapos ng presscon ng Imono Steel Jewelry ipinakita naman ni Lovi sa amin ang bracelet at singsing na ginagamit niya mula sa Imono. Bata pa lang ay mahilig na talaga ang aktres sa jewelry and accessories.

Kaya nga super happy siya dahil nagtiwala sa kanya ang Imono bilang kanilang first female endorser together with her male counterpart na si JC.

Ibinalita naman ng dalawa na may 28 branches na ang Imono Steel Jewelry nationwide na matatagpuan sa iba’t ibang malls tulad ng SM Malls, Glorietta 4, Landmark Trinoma, Marquee Mall, Eastwood City Walk 2, Robinson’s malls, Cash & Carry, Festival Mall in Alabang, Fisher Mall, Sta. Lucia Mall at Starmall EDSA-Shaw.

Sey pa nina Lovi at JC, for all ages ang mga alahas ng Imono bukod pa sa durability nito, pagiging affordable at hindi rin daw nagpe-fade.

Ayon naman sa owner nito na si Valerie Tan, perfect sina Lovi at JC bilang endorsers ng kanilang produkto.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending