Isang task force ang binuo ng Quezon City Police District upang tutukan ang pagpaslang sa radio broadcaster kamakalawa.
Si Jose Bernardo, broadcaster ng dwIZ, ay nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan na agad niyang ikinamatay.
Tinamaan naman ng ligaw na bala sa dibdib si Marlon Deonio, 23, na service crew ng isa sa mga kainan sa North Olympus in Barangay Kaligayahan.
Nakatayo si Bernardo sa harap ng isang restaurant ng pagbabarilin ng suspek na naka-angkas sa motorsiklo. Nakuha sa crime scene ang mga basyo ng kalibre .45 pistola.
Susuriin ng pulisya ang kuha ng mga closed circuit camera sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.