MAY panawagan sa lahat ng taxpayer sa darating na Bi-yernes: Makiisa sa “Black Payday Friday” isang protesta laban sa napakataas na buwis na si-nisingil ng pamahalaan. Kaila-ngan lang magsuot ng itim bukas at ipadama sa pamahalaang Aquino na panahon na para i-certify na urgent ang pagpasa sa income tax reform bill na nakabinbin ngayon sa Kongreso.
Butas palagi ang bulsa ng Pinoy, lalo na sila na kumikita nang wala pang P200,000 kada taon. Kaya nga, mainit ang ginagawang pagsusulong ng mga mambabatas na baguhin na ang tax rate na ipinapataw sa bawat indibidwal na taxpayer.
Sa isinusulong na panukalang batas, ang mga empleyado o manggagawa na kumikita ng mababa sa P180,000 kada taon ay kailangang huwag nang pagbayarin ng personal income tax; habang sila namang may kita na P180,000 hanggang P500,000 ay kailangang patawan lamang ng 9 na porsyentong buwis.
Ipapataw naman sa mga kumikita ng P500,001 hanggang P10 milyon ang 17 porysentong buwis, at 25 porysento naman ang kailangang bayaran sa corporate tax.
Duda ang pamahalaang Aquino sa panukalang ito. Imbes na makatulong sa mamamayan ay lalo lamang daw itong magi-ging pabigat.
At sa pinakahuli niyang pahayag, sinabi ni Pangulong Aquino na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kumbinsido na nararapat ngang tapyasan ang buwis na ipinapataw sa bawat empleyado’t manggagawa.
Naniniwala pa rin siya na mas malaking problema lang ang idudulot nito sa sandaling ibaba ang income tax, una sa mamamayan at ikalawa sa gobyerno.
Sa sandaling kaltasan nga ang personal income tax, hindi naman daw malayong may bagong buwis na ipataw o di kaya ay itaas ang value added tax sa 14 porysento mula sa i-pinatutupad ngayon na 12 porsyento. Ito ay para punan ang deficit o sa mas madaling salita ay pagkalugi ng gobyerno na idudulot ng bawas buwis.
At kapag nangyari raw ito, mapipilitan ang gobyerno na magpataw ng panibagong uri ng buwis, dahilan para higit pang mahirapan ang mamamayan; at lalo itong ikabubutas ng kanilang mga bulsa.
Hindi yata makita ng pamahalaan ang isinisigaw na punto ng bawat taxpayer: Na sadyang malaki ang personal income tax na ipinapataw sa kanila ng gobyerno ngunit wala naman o hindi sapat ang serbisyong ibinibigay sa kanila ng pamahalaan na gumigipit sa kanila.
At saan nga ba talaga nauuwi ang buwis na galing sa pagpapagal ng bawat manggagawang Pinoy? Huwag ninyong sabihin na malaki ang ipon o savings ng gobyerno. Hindi mabuting balita na ang pera ay itinatabi na lang para lang masabi na merong ipon o natitipid ang pamahalaan.
Huwag na huwag sana itong ipagmalaki ng gobyernong Aquino. Dahil ang hindi pag gastos sa pera ay nangangahulugan lang ng pagtumal ng pag-asenso ng ekonomiya, at ng mamamayan.
Matagal nang nasisita ang gobyernong ito dahil ayaw nitong gastusan ang proyekto at programa para sa mamamayan. Sa tingin nila mas mainam na may ipon kaysa gumastos.
Pero sino ang higit na apektado sa hindi paggastos na ito? Hindi ba’t ang mamamayan mismo?
Oo, masay at magandang pakinggan na malaki ang ipon ng gobyerno? Pero anong ma-gandang idudulot nito sa mamamayan?
Aanhin mo ang malaking ipon kung nganga naman ang mamamayan dahil hindi sapat ang ibinibigay na basic services na dapat ay pinaguukulan ng malaking pondo para naman maaalalayan ang mamamayan na pinipiga nang husto para makapagbayad nang napakalaking buwis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.