ANG pag-alis daw ni Sen. Ping Lacson sa partido nina Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero ay dahil sa batikang actor at TV host na si Edu “Doods” Manzano.
Nahirapan siguro si Poe, tumatakbo bilang pangulo sa 2016 election, sa pagtanggal kay Lacson sa kanyang senatorial line-up upang ipalit si Manzano.
Magaling si Lacson, pero mas magaling si Manzano.
Very fluent si Doods sa English at Tagalog. Intelligent at graduate ng La Salle. Magaling magpatawa ng crowd dahil siya’y TV host.
At guwapo.
Kung naging babae si Doods at Miss Universe contestant, mananalo siya dahil he’s beauty and brains.
On the other hand, si Ping ay guwapo nga pero hindi marunong magpatawa.
Kailangan ng Poe-Escudero tandem ang crowd pleaser.
Ang aking fearless forecast: Both Manzano and Lacson will make it to the “Magic 12” in next year’s election.
Hindi naniniwala si Pangulong Noynoy na susuportahan si Bongbong ng maraming Pilipino sa 2016.
Pinagtawanan ni
P-Noynoy ang mga post sa social media na maraming boboto kay Bongbong sa pagkabise-presidente.
Baka mabigla na lang si P-Noy kung manalo si Bongbong.
Kung galit ang mga tao sa mga Marcos dahil sa martial law, bakit ibinoto nila si Bongbong sa pagka-Senador?
Ang tugon sa tanong na yan ay marami pa ring mga Pinoy ang naniniwala na hindi masamang tao si Ferdinand Marcos.
Tanungin mo ang taumbayan sa Ilocos region: Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Cordillera Autonomous Region at sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Sasabihin nila na hindi masamang tao si President Marcos.
The crowd at Edsa in February 1986 that ousted Marcos was not representative of the whole country.
Yung mga presidential candidates na dumalo sa forum ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ay walang ginawa kundi mangako na parang hindi naman nila matutupad.
Ang mga pangako na ibinigay nina dating Interior Secretary Mar Roxas, Vice President Jojo Binay at Sen. Miriam Defensor-Santiago ay parang naipangako na ng mga kumandidato sa pagkapa-ngulo noon.
Nangako lang sila u-pang mapasaya ang kanilang audience na karamihan ay business leaders.
Wala ni isa sa kanila ang nagbigay ng pahayag kung paano lulutasin ang problema sa krimen at droga na makakaganda sa negosyo.
Kung si Davao City Mayor Rody Duterte ay inimbita (sayang at hindi siya presidential candidate—sa ngayon), baka sinabi niya na mapapababa niya ang krimen at paggamit ng bawal na gamot.
Pinatunayan na ni Duterte na kapag walang krimen at problema sa droga, gaganda ang negosyo sa isang lugar.
Alam ng audience, na kinabibilangan ng captains of industry, na hindi business-friendly si Binay dahil kinotongan niya ang mga business establishments sa Makati noon siya’y mayor pa ng lungsod.
Kaya’t ang kanyang pangako na babawasan niya ang corporate income taxes ay walang saysay.
Nagkaroon ng simpatiya ang audience kay Miriam pero nagbago ang kanilang pagtingin sa kanya nang magalit siya sa tanong kung bakit ayaw niyang ipakita ang kanyang medical record na siya’y magaling na sa sakit na cancer.
“Can’t you see me? Can’t you see I can stand straight? What else do you want from me? Why are you so nasty?” ang pagalit na sinabi ni Miriam.
Si Roxas naman ay parang kinakampanya niya ang reelection ng kanyang boss na si Noynoy nang sabihin niya na anti-corruption ang malaking ginawa ng administasyong Aquino.
Alam ng lahat na si Noynoy ay malinis at tapat pero ang kanyang mga tauhan ay hindi.
Parehas lang si Noynoy at ang kanyang ina na si Cory na walang alam sa pinaggagawa na katarantaduhan ng kanyang mga tauhan at kamag-anak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.