14 sasakyan, mining equipment sinunog ng NPA
Aabot sa 14 sasakyan at heavy equipment ang nasunog nang silaban ng mga umano’y kasapi ng New People’s Army (NPA) na sumalakay sa compound ng isang malaking kompanya ng pagmimina sa Dinapigue, Isabela, kahapon (Miyerkules), ayon sa militar.
Sinalakay ng aabot sa 30 “heavily-armed” na kalalakihan ang compoung ng Nickel Asia Corp. sa Brgy. Dimaluadi dakong alas-7 ng umaga, ayon sa ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo.
Kabilang sa mga sinilaban ang limang backhoe, dalawang sasakyang Ford, isang buldozer, Saddam-type truck, Isuzu d’Max, Mitsubishi Pajero, payloader, pick-up, at isang Nissan Terrano, ayon sa ulat.
Nag-iwan din ang mga rebelde sa security guard ng isang liham, na naka-address sa mayor at ngayo’y sinusuri ng pulisya, ayon sa militar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.