OFW inakusahang aswang, kumakain ng lamang-loob ng tao | Bandera

OFW inakusahang aswang, kumakain ng lamang-loob ng tao

Ervin Santiago - October 28, 2015 - 02:00 AM

maria labo

Sa dami ng urban legends sa ating bansa, isa ang kwento ni Maria Labo sa pinakakinatatakutan lalo na sa Visayas. Siya ang diumano’y aswang mula sa Iloilo (may nagsasabing galing siya sa Capiz at Sorsogon) na kumatay sa kanyang mga anak at inihain pa sa kanyang asawa matapos niya mismong pagpistahan ang mga ito.

Hanggang ngayon marami pa rin ang naniniwala na tuloy pa rin ang pag-atake ni Maria Labo kaya naman naging interesado ang batikang aktor at direktor na si Roi Vinzon para gawin itong pelikula.

Bukod sa matinding kilabot, marami pa kayong madidiskubre tungkol sa naging buhay ng nasabing OFW at ng kanyang pamilya. Si Maria (ginagampanan ng baguhang si Kate Brios) ay isang mapagmahal na asawa’t ina.

Sa kagustuhan niyang tulungan ang asawang si Ermin (Jestoni Alarcon) para maitaguyod ang pamilya, nahikayat siya ng kaibigang si Emily (Sam Pinto) para magtrabaho sa ibang bansa.

Bilang caregiver sa Dubai, naging malapit si Maria sa kapwa-OFW na si Nanay Leng, pero masaklap naman ang dinanas niya sa kamay ng mga dayuhan. Wala na sa kanyang kati-nuan nang pinabalik si Maria sa Pilipinas.

Ngunit ang mas matindi pa rito, siya ay nagmistulang halimaw na kumakain ng buhay na hayop at lamang-loob ng tao. Habang nalalagay sa panganib ang lahat, kaila-ngang matuklasan ni Ermin ang dahilan kung bakit nagkaganito ang kanyang asawa.

Sa Ilonggo, ang “labo” ay nangangahulugang “to hack” or “pagtaga”. Ito ang nangyari sa mukha ni Maria kaya idinikit ang salitang ito sa kanyang pa-ngalan. Nabigyang-laya ang pelikula na palitan ng ibang detalye ng kwento, tulad ng bansang pinagtrabahuan ni Maria.

Sa orihinal na kwento, sa Canada siya namasukan at hindi sa Dubai, at ang amo daw niya ang nagbigay sa kanya ng kapangyarihan o sumpa na ma-ging aswang.  At ayon mismo kay direk Roi Vinzon, may nakapagsabi sa kanila na buhay pa rin si Maria Labo hanggang ngayon at nagtatrabaho raw sa isang parlor bilang manikurista.

Samantala, kahit ito ang kauna-unahang pelikula ni Kate Brios, pinuri ni Direk Roi Vinzon ang pagiging natural niya sa pag-arte at mahusay itong nakipagsabayan sa mga batikang aktor gaya nina Jestoni, Baron Geisler, Mon Confiado, Dennis Padilla, Rez Cortez, Sam Pinto at Rey “PJ” Abellana. Si Kate ay isang businesswoman sa Bacolod, at kaibigan siya ng asawa ni Roi.

Alamin ang nakakapangilabot na tunay na kuwento ni “Maria Labo” simula sa Nov. 11 sa mga sinehan, mula sa Viva Films.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending