Anak at mister ni Amy ‘inimbestigahan’ ng DSWD | Bandera

Anak at mister ni Amy ‘inimbestigahan’ ng DSWD

Ervin Santiago - October 28, 2015 - 02:00 AM

amy carlo perez

LIMANG taong nagtrabaho si Amy Perez sa TV5 bilang host kaya naman ikinalungkot niya ang ipinatupad na mga pagbabago sa entertainment department ng Kapatid network.

Sa presscon ng bagong endorsement ni Amy, ang Strike Multi-Insect Killer mula sa ATC Healthcare kamakailan, sinabi nitong naging maayos naman ang pagtatrabaho niya sa TV5 pero hindi niya inasahan na magkakaroon ng major changes sa pamamalakad sa istasyon, lalo na sa entertainment department.

“Alam n’yo, nalulungkot din naman ako sa mga nangyayari. Kasi kahit naman papa’no, those were the best five years of my life. And I’ll always be thankful sa TV5 sa binigay nilang break na yun sa akin.

“At hindi ko yun makakalimutan buong buhay ko. Ipagpapasalamat ko ‘yan. So, kung ano man mga nangyari somewhere in between, siguro it had to happen because yun ang plano ng Diyos,” pahayag ng host ng Umagang Kay Ganda sa ABS-CBN.

Marami-rami ring nagawang show si Tsang Amy sa TV5, kabilang na riyan ang Good Morning Club, Face To Face, Untold Stories Mula Sa Face To Face, Sapul Sa Singko at Ang Latest.

Dugtong pa nito, “Siyempre nakakalungkot (na wala ng shows). Kasi ang mga pinag-usapan din natin dun ay yung mga nakatrabaho nating may mga pamilya din. At saka may mga sinusuportahan din na mga kapatid, anak.

“Let’s face it, sa industriya natin, kahit na sino ang mawalan ng trabaho, malulungkot naman tayo. At kung sino man yung mabibigyan ng trabaho, we’re happy for that person.

“And somehow, kung may mangyari sa industriya natin, kung may mamatay man, or may magkaproblema, tulung-tulong din naman tayong lahat, e, in our own little way,” aniya pa.

Tungkol naman sa kanyang anak sa dating singer at Southborder vocalist na si Brix Ferraris, pinoproseso na rin pala ang adoption papers ng anak niyang panganay na si Adi para maging legal na anak na ito ng kanyang mister na si Carlo Castillo.

“Kaka-start lang namin (adoption process) actually, pero mabilis. May pumunta na sa bahay na taga-DSWD ino-observe na kami. In-interview na si Adi, at si Carlo. So, mabilis lang. Siguro, nakaka-five months na kami.

Pero sabi nga, one year daw talaga ‘yan,” sey pa ni Amy. Dagdag pa nito, hindi na nila kailangan ng approval ni Brix dahil 18 na ang bagets. Anyway, sobrang thankful ni Amy sa pagkuha sa kanya ng ATC bilang brand ambassador ng Strike Multi-Insect Killer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagay na bagay daw ito sa kanya bilang isang mommy at asawa na kailangang pangalagaan ang pamilya para malayo sa mga sakit na dulot ng lamok at iba pang insekto. Sa TV commercial ng nasabing produkto, kasama rin ni Amy sina Carlo at ang anak nilang si Kyle.

Sey ni Amy, “Strike is also safe for people, pets and plants. It’s water-based and fast acting, mura pa. It’s environment-friendly too because it’s orange scented and does not contain CFCs (chlorofluorocarbons).”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending