Angel lumala ang sakit sa likod, umatras na sa Darna
Ervin Santiago - Bandera October 26, 2015 - 08:18 PM
HINDI na magagawa ni Angel Locsin ang bagong movie version sana ng Darna. Ito ang ibinalita ng Star Cinema na siyang magpo-produce sana ng nasabing pelikula.
Ayon sa ipinalabas na joint statement, ito’y dahil na rin sa sakit ni Angel sa likod na slipped disk. Nagdesisyon ang kampo ni Angel at ang Star Cinema na huwag nang ituloy ang pagbibida ni Angel sa pagsasapelikula muli ng Darna dahil baka hindi kayanin ng aktres ang mabibigat ng action scenes na kailangan niyang gawin. Lumabas dito sa BANDERA ilang linggo na ang nakararaan na na-confine si Angel sa ospital matapos maka-experience muli ng matinding sakit sa likod. Ito’y dahil na rin sa pinagdaanang physical training ng girlfriend ni Luis Manzano bilang paghahanda nga sa muli niyang paglipad bilang Darna. Ayon sa panayam sa isang doktor maaaring lumala nang lumala ang sakit ni Angel kung gagawin pa niya ang maaaksiyong eksena sa Darna, posibleng tuluyang humina ang kanyang legs kapag patuloy niyang papagurin ang kanyang likod dahil nga sa lagay ng kanyang spinal column. Sa pagkakaalam namin, nakuha ni Angel ang kanyang slipped disk matapos siyang mahulog noon sa kabayo habang nagsu-shooting sa pelikula nila ni Piolo Pascual na “Love Me Again” taong 2008. Narito naman ang official statement ng ABS-CBN hinggil sa issue mula kay Mr. Kane Errol Choa, Head, ABS-CBN Corporate Communications. “It is with deep regret that we announce that ABS-CBN, Star Cinema, and Angel Locsin have mutually agreed that Angel will no longer do the ‘Darna’ movie due to health reasons. “Because of her passion, dedication, and commitment to the project, she underwent various rigorous training regimens for two years. Unfortunately, this led her to developing a disc bulge in her spine. “This then limits her from doing strenuous activities such as stunts, liftings, and the usage of harness, all of which will be required of her for the action scenes in the film. Aside from that, she will need to undergo rehabilitation and treatment. “And so while we have envisioned her to do the iconic Filipino heroine, Angel’s health and safety are both our primary concern. Hence, the decision. “Fans need not worry. They can still look forward to seeing her in a movie that she is currently shooting with Vilma Santos. Angel’s physical condition does not prevent her from finishing the said project. “Again, we sincerely thank Angel for her hard work and pray for her recovery.”Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending