Bonggang debut ni Bea gaganapin sa Manila Hotel; 1st dance si Alden | Bandera

Bonggang debut ni Bea gaganapin sa Manila Hotel; 1st dance si Alden

Ervin Santiago - October 27, 2015 - 02:00 AM

bea binene

KAHIT hindi diretsong aminin ng Kapuso teen star na si Bea Binene, halatang-halata na hindi pa rin sila okey ng kanyang ex-boyfriend na si Jake Vargas.

Sa ibinigay na presscon ng GMA 7 para sa grand debut ni Bea nga-yong darating na Nov. 4 na gaganapin sa Manila Hotel, hindi diretsong masabi ng dalaga kung iimbitahin ba niya ang ex-BF sa isa sa pinakamahalagang araw sa kanyang buhay.

Nang tanungin kasi ang Kapuso young actress kung invited ba si Jake sa kanyang debut party at kung ito rin ba ang magiging escort niya, tila natigilan ang dalaga at hindi makasagot nang diretso. Sey ni Bea, hindi pa raw kasi sila nagpapadala ng invitation sa mga guests kaya hindi pa niya alam kung darating si Jake.

“Actually, hindi ko pa po alam, kasi hindi pa po kami actually nakakapagbigay ng invitation,” aniya.
Pero may plano ba siyang imbitahan si Jake? “If ever, I don’t know,” ang tugon nito. Pero idinagdag nitong wala naman daw problema sa kanya kung pumunta ang kanyang ex-boyfriend sa kanyang debut.

Nang tanungin naman ng press kung sinu-sino ang makakasama niya sa kanyang 18 Roses, nabanggit niya ang mga pangalan nina Alden Richards, Kristoffer Martin, Derrick Monasterio at Ken Chan, ibig sabihin talagang etsapwera na si Jake sa bahaging ito ng kanyang party.

Depensa naman ni Bea tungkol dito, “Actually, kasi yung guest list, nagbigay lang ako ng names sa Artist Center. Pero sila talaga ang over-all na nag-ayos. Basta ang mga sinabi ko po, nandu’n talaga.”

Samantala, ngayong turning 18 na ang dating Kapuso child star, inaasahan niyang maraming magbabago sa takbo ng kanyang buhay. Isa na nga kaya rito ang pagbibigay sa kanya ng kanyang ina ng kalayaang makapagdesisyon para sa kanyang sarili?

“Actually, hindi po namin pinag-uusapan ni Mommy. Kasi po si Mama, kapag tinatanong ko, ‘Ma, puwede na ba akong matulog sa kuwarto ko kapag 18 na ako?’ “Sabi niya, ‘Sige, kasama mo si Benice (younger sister ni Bea),’ so wala ring difference.”

At ngayong dalaga na siya, kung may isang bagay siyang hihilingin sa kanyang mommy, ano yun? “Ma-tulog sa sarili kong kuwarto at saka, walang cut-off na pagtulog. Kasi, palaging pag alas-dose, pinapatulog na niya ako.

Pero siyempre, iba pa rin naman kapag may guidance ng magulang, di ba?” Inusisa rin ng entertainment press kung darating ba ang kanyang amang Chinese sa debut, at kung nami-miss na niya ito dahil matagal na rin silang hindi nagkikita? “Siyempre, nami-miss, pero hindi pa po sure kung makakarating siya.

Sa ngayon po kasi may problem po kasi sa business ni papa, so ‘yun.” In fairness, saludo ang mara-ming taga-showbiz kay Bea dahil sa murang edad ay marami na rin itong napatunayan. Nakapagpundar na siya ng ilang negosyo at properties.

At ngayon, isa na rin siyang producer. Isa ang programang Legally B sa GMA News TV tuwing Sabado ng umaga sa mga ipinoprodyus niya. Sa Legally B din napapanood ng kanyang mga tagasuporta ang ginagawa nilang preparasyon para sa kanyang vintage glam theme debut.

“Yun po ang theme vintage glam. Tsaka medyo small lang na ce-lebration ito, hindi siya yung malaking event. Hindi siya yung ganoong karaming tao, mga 150 lang po na tao, sa Maynila Ballroom ng Manila Hotel. Meron po akong 18 Roses, 18 Candles, 18 Gifts, and 18 Treasures.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wala po akong escort. Wala lang, gusto ko lang mag-isa. “I can do this na kaya kong mag-isang buhatin ang gown ko,” chika pa ni Bea. Si Kristoffer Martin daw ang last dance niya, “Siya po kasi ang best friend ko talaga. Tapos, first dance, si Alden dapat, pero hindi pa sure kung makakapunta siya.”

Pahabol ni Bea, hindi niya hinahanap ngayon ang lovelife, “Wala po yun sa priorities ko sa ngayon. Why not, di ba? Nandiyan naman palagi yun. Hindi naman kapag sinabing 18 ka na, magbu-boyfriend ka na. Parang darating naman po yun. Hindi mo naman kailangang hanapin. Kung darating, darating.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending