Patay kay 'Lando' 64 na; pinsala halos P10B | Bandera

Patay kay ‘Lando’ 64 na; pinsala halos P10B

John Roson - October 26, 2015 - 07:01 PM

lando2-1019
Umabot na sa 64 katao ang nasawi at mahigit P9.8 bilyon na ang halaga ng pinsala dahil sa mga insidenteng dulot ng bagyong “Lando” sa iba-ibang bahagi ng bansa, ayon sa mga awtoridad kahapon.

Cordillera ang nagtala ng pinakamaraming nasawi na 27, sinundan ng 20 sa Central Luzon, walo sa Ilocos region, anim sa Cagayan Valley, dalawa sa Metro Manila, at isa sa Calabarzon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council at regional units ng Office of Civil Defense.

Benguet ang nakapagtala ng pinakamaraming nasawi na 19, ayon sa ulat ng OCD Cordillera.

Di pa kasama sa kabuuang bilang ang siyam na nasawi sa pagtaob ng bangka sa Iloilo City, na ayaw pa ring tanggapin ng NDRRMC bilang insidenteng dulot ng bagyo.

Sa tala ng NDRRMC kahapon, sinasabing 83 na ang sugatan at apat pa ang nawawala.

Umabot sa 2.733 milyon katao sa Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Bicol, National Capital Region, at Cordillera ang naapektuhan ng bagyo.

Inulat rin ng NDRRMC na P9.878 bilyon na ang kabuuang halaga ng pinsalang dulot ni “Lando.” Umabot na sa P8.588 bilyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura, karamiha’y sa Central Luzon, habang P1.289 bilyon naman ang inisyal na naitalang pinsala sa imprastruktura.

Di pa kasama sa naitalang halaga ang 15,289 nawasak at 88,158 napinsala na bahay, pati na ang 249 nawasak at 554 napinsalang paaralan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending